It was meant for friendship ngunit habang lumilipas ang mga panahong nakakasama mo siya ay bigla na lang nag-iba ang feelings mo para sa kanya. At nalilito kung in love na ba o sadyang namimiss mo lang siya kapag di kayo nagkikita. "Bestfriend", salitang madaling bigkasin ngunit mahirap panindigan. Kasi nga di mo namamalayang sa bawat araw na ginawa ng Diyos, nahuhulog na pala ang loob mo sa taong sana ay "Bespren" lang.
Mga dahilan kung bakit nahuhulog ang loob mo sa iyong bespren:
1. Sweet kasi siya sa'yo
2. Comfortable na kayo sa isa't isa
3. Shoulder-to-lean-on mo siya
4. Lagi siyang nandiyan para sa'yo
5. Kabisado na niya ang mga ugali mo
6. Napapatawa ka niya
7. Caring siya
8. Feeling mo safe ka sa kanya
9. Gusto mong kinakabahan kapag magkasama kayo
10. Halos pareho kayo ng likes and dislikes
Walang pagkakaibigang askidente lang, subalit dahil sa di mo na mapigilan ang bugso ng iyong damdamin, gugustuhin mong pumasok sa isang relasyon. Ngunit yun ay kung kaya mo nang tanggapin na baka darating ang panahong hindi lang ang friendship niyo ang mawawala. Baka kasi di mag-work eh, dahil hanggang bespren lang talaga ang pwedeng turingan niyong dalawa.
One of the hardest part in life is deciding whether to walk away or try harder and stay. Ika nga ni Chris Bradford, "Each mistake teaches you something new about yourself. There is no failure, remember, except in no longer trying. It is the courage to continue that counts". Wala rin namang masama kung susubukan, di ba? Kaya nasa sa inyo na talaga ang desisyon.
Ang sa akin lang ay wag niyo lang madaliin ang lahat. I-enjoy na lang muna ang friendship until such time, pwede ng i-level up ito. Siguro naman kapag mutual ang feelings niyo, napakasarap sa pakiramdam yun. Pero paano naman dun sa hindi? Yung na-FRIENDZONED? Naku! Patay tayo diyan. Kailangan mong sabihing may pagtingin ka sa kanya dahil kapag patuloy mong ililihim yan, masasaktan at masasaktan ka lang.
"There comes a point in your life when you realize who really matters, who never did, and who always will."
BINABASA MO ANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT
RandomAng mga sagot sa mga tanong mo. All Rights Reserved © 2022