01

230 13 86
                                    

Chapter 01
Apartment

TW: suicide ideation, sh scars

How do you kill yourself without hurting anyone in the process?

'Yon ang laman ng isip ko habang nakatingin sa mga sasakyang nadaan. Pwede ba na bigla na lang ako maglaho na parang bula?

I smiled and shook my head. Thinking about it is useless.

Akala mo naman talaga hindi ako muntik magpasagasa kanina. Ni hindi ko na nga rin mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko sinubukan gawin iyon.

Ang selfish mo Gen, gago ka.

Hindi na ako nakipagtalo sa lalaki dahil mukhang nagmamadali siya. Mukha naman siyang mabait kaya lang ay napakapakielamero. Ayoko sa ganoon.

'Yon talaga ang ayaw ko, pinapakialaman ako sa mga diskarte ko.

Pero okay lang, nakalibre naman ako ng Cornetto. The ice cream brought comfort for a short while. Tumambay muna ako sa ministop para magpalamig. Alas diez na ako nakauwi ng bahay, nakaalis na si Daddy habang si Mommy naman ay tulog na ata.

Nagkaroon din kami ng sandaling katahimikan. Makakatulog ako ng payapa.

Kinabukasan ay nagkulong lang ako sa kuwarto. Wala kasi kaming pasok dahil holiday.

Wala akong gana gumalaw o kahit maligo man lang. Hindi pa rin ako kumakain kahit nag-iwan naman si Mommy ng ulam. Kung pwede nga lang na kusang gumalaw 'yong mga ballpen at isulat 'yong assignment ko e...

Ipinikit ko ang mga mata ko. Matutulog na nga lang ako.

Pero naudlot din agad iyon dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko. Akma ko pa lang 'yong kukunin nang biglang mag-ring.

Tumayo ako at lumapit sa study desk ko. Alice's name flashed on the screen of my phone which made my forehead creased. Agad ko sinagot ang tawag na iyon dahil bihira lang siyang tumawag sa akin.

"Gen..." nanginginig ang boses niya, halatang umiiyak. "Nasaan ka? P-pwede mo ba 'kong samahan?" her voice broke.

Bumuntong-hinga ako. Hindi ito ang magandang timing dahil wala rin ako sa wisyo at magulo pa ang isip ko. Pero anong magagawa ko? Kailangan niya ako at hindi ko naman siya kayang pabayaan lang. Bunso namin 'to e.

"Nasa bahay ako, dito ka na dumiretso. Wala naman si Mommy at Daddy..." kalmadong saad ko.

"Okay, thank you... bye." pinilit niyang itago ang paghikbi bago ibaba ang tawag.

Napaligo at linis tuloy ako ng bahay ng wala sa oras. Nagwalis at mop ako ng sala, naghugas ng natitirang pinggan sa lababo.

Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok ko sa unan. Kinailangan ko linisin 'tong kwarto ko just in case piliin naming dito tumambay kapag biglang dumating si Mommy or Daddy.

Kahit siya lang ang bisita, gusto ko walang bakas ng dumi ang paligid. Nakatulong din sa 'kin 'yon dahil kahit papaano ay nadi-distract ako at wala akong ibang iniisip.

As long as I'm busy, I am okay. Mas gusto ko pa ngang occupied ang utak ko.

Tinignan ko sa salamin ang hitsura ko. Mukha pa naman akong tao.

I combed my straight black hair that's lying below my breasts. Ipinasok ko rin agad 'yong suklay sa drawer pagkatapos ko gamitin. Naiirita ako kasi ang dami na namang nalagas na buhok.

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. I loathe the person I see in the mirror each day because I could see my father. I hate how we resemble each other. From the round dark-colored eyes and long eyelashes to the pointy nose, we're the same.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon