23

84 5 15
                                    

Chapter 23
Demons

Trigger Warning: Abuse and mention of violence

"Anong mas magandang top?" Tanong ko kay Kael. Pinagtabi ko ang dalawang magkaibang damit. Long sleeves at crop top iyon.

"'Yung nasa gitna." Itinuro niya ako. Kinagat niya ang ang daliring pinanturo sa akin. He playfully smiled, perhaps anticipating an amused reaction from me.

Bumusangot ako. "Ang dumi naman. Bahala ka, ito na nga lang susuotin ko." tukoy ko sa black cotton long sleeves. I'll just match it with wide leg jeans.

"Ang init. 'Yong isa na lang, sexy ka ro'n." Ngumuso siya sabay pinataas baba ang kilay.

"Hindi na. Baka umangat, hindi rin ako magiging komportable." Bumalik ako sa kwarto para isampay ang isang top.

No one is above the other. Ayan ang gusto ko sa amin ni Kael. He treats me like an equal. He lets me have my own voice. Sa palagay ko dahil na rin ito sa pagkakaibigan namin. You don't impose superiority over your friends. You let them enjoy their own thing.

Sinikop ko ang buhok ko para itali. I looked at the mirror and combed certain parts of my hair to have a clean ponytail. Napansin ko na bumagay ang pagiging minimalistic ng semicolon na kwintas sa suot ko. Nabaling ang atensyon ko sa kaliwa nang maramdaman ko ang pagsiwang ng pinto. 

Kael was leaning on the door, watching me intently. Nagtaas ako ng dalawang kilay, nagtatanong kung anong kailangan niya. He shook his head to dismiss my thoughts. Bumalik ako sa pag-aayos ng sarili.

He enveloped his arms around my waist. Sinandal niya ang baba sa balikat ko habang tinitignan ako sa salamin. I continued doing my hair.

"I'll miss you." he uttered softly. "Halos isang buwan din tayo hindi magkikita."

"Bakit?" Tinago ko ang pagkadismaya sa tono ng boses ko. Ang tagal no'n.

"Kasali ako sa na-assign sa Tagaytay."

My mouth formed an 'o', I immediately recovered and pressed my lips together. "Tatawag ka naman 'di ba?"

"Of course." he planted a kiss on my neck.

"Okay lang 'yan. Sobrang dami rin namang gagawin this month. Hindi rin kita ma e-entertain."

"Ang tagal ng tatlong linggo." He melted on my shoulders. Parang batang nagmamaktol. "Huwag na kaya ako tumuloy?" nag-angat siya ng tingin sa akin.

Matalim ko siyang tinignan mula sa aming repleksyon sa salamin.

"Sabi ko nga po, tutuloy na." He squeezed my arms. Pinulupot niya ang braso sa may ibabaw naman ng dibdib ko. He's extra clingy. Sumusuko na siya dahil alam niyang hindi naman pwedeng magpaiwan. "Paano kapag..."

"Kapag?"

"Nag-breakdown ka," he sighed. "Wala kang kasama."

I chuckled at his remarks. Alam ko namang nag-aalala lang siya. Pero ganoon na ba ako ka dependent sa kanya? Hindi naman ako mahina.

"Kaya ko naman. Parang hindi mo naman ako kilala." Hinawakan ko ang kamay niya. I swayed us lightly. Nakisabay naman siya sa trip ko. He playfully swayed with me. Mami-miss ko talaga ang kumag na 'to.

"Kilala kita, kaya nga nag-aalala ako. Alam kong hindi ka hihingi ng tulong kasi pipilitin mong kayanin."

"I'm not a kid, Kael. Alam ko kung hanggang saan lang kaya ng limitasyon ko. I'll call Aria just in case. Hindi mo kailangang mag-alala." Hinaplos ng hinlalaki ko ang kamay niya.

"Ang ganda-ganda mo talaga Gen." bulong niya. He sniffed my hair. Nakaliti ako sa pag amoy niya ng leeg ko. Natatawa kong iniwas ang ulo sa kanya. "Hmm. You smell so sweet, hindi ako sanay. Ano'ng pabango mo?"

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon