07

122 11 16
                                    

Chapter 07
Stick with you

"Ayos ka lang? Parang ang lalim naman ng iniisip mo." Humalumbaba si Kael habang pinapanood akong kumain.

"Okay lang ako. Thank you." I said even though I'm still worried. I really hope he didn't see me outside that night.

Kasi nahihirapan ako intindihin 'yong sitwasyon kahit hindi naman komplikado.

Pero baka mali ako, nakita niya lang ako sa mismong loob ng convenience store. Baka para mabaryahan siya that time ay napagdesisyonan niyang sagutin 'yong item noong nasa likuran niya. Nagkataon lang din talaga na apo siya ng landlady ng inuupahan ko kaya nagkita kami ulit.

Tama. Ganoon lang iyon, Gen. Huwag ka nang mag-isip ng mga problemang nonexistent.

"May gagawin ka pa ba?" tanong niya sa akin.

"Oo, pero isa na lang 'yon. Hindi ko pa tapos kulayan."

"Okay, bilisan natin para makapagpahinga ka na agad." Kinagatan niya 'yong ice cream niya kaya nagulat ako.

Malamig 'yon e?

Umiling na lang ako at hinayaan siya kung saan siya sasaya. Pagkatapos naman namin kumain ay dumiretso na kami pauwi.

"Prof uli natin this sem si Ma'am Carpio." Bumusangot si Zurine habang binabasa ang list of subjects namin. "Bugbog sarado na naman tayo niyan sa gawain! Hmp!"

Saktong pagkasabi niya no'n ay dumaan sa harap namin si Ma'am at binati kaming dalawa. Katakataka ang ginawa niyang 'yon. That's so unlike her.

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ng kaibigan ko lalo na nang humawak siya sa braso ko.

"Good morning din po Ma'am."

"Good morning, Ma'am." Ani Zurine na mukha pa ring kabado.

"Kayo na naman pala ang estudyante ko, good luck this semester. I hope you'll learn from me." She said those words with a genuine smile. But despite those smile, I saw loneliness in her eyes. Kumaway siya sa amin bago umalis.

"Thank you, Ma'am!" Kumaway ako pabalik para hindi na rin kabahan si Zurine.

It feels... weird. She has never been this polite. Kahit kanino mo itanong dito sa department namin, sasabihin na masungit siya. May kagaspangan din ang ugali niya sa totoo lang. She has no mercy. Kaya kapag tambak ng gawain last semester, subject niya ang inuuna ko.

Tumambay muna kami sa room kahit wala namang gagawin. Naki-aircon lang kami. May ilan din naman kaming blockmates na naroon.

"Huy gagi! Namatay anak ni Miss Stefanie?" Sabi ni Wilson kaya dumungaw doon sa cellphone niya ang iba pa naming kaklase.

"Weh? Totoo? E nakita ko pa sila sa Gerry's grill three days ago. Mukha naman silang masaya mag-ina."

Hindi ako makaimik dahil busy din ako sa pag po-phone. Sakto kasing may IG story si Alice na nag notify sa akin. Naka close friends lang. My eyes widened when I saw that it was a picture of them kissing in Maxon's car!

I mean wala namang mali dahil hindi naman malaswa 'yong picture. They both look so in love, kitang kita iyon sa mga ngiti nila. Nagulat lang talaga ako. Hindi ako sanay na ganoon si Alice.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon