35

73 5 22
                                    

Trigger Warning: This chapter may contain sensitive content. Reader discretion is advised.

***

Chapter 35
His Point of View I

"Wala ng yelo sa tindahan, bumili ka na lang sa Ministop."

Napakamot ako sa ulo nang utusan ako ni Tita Judith. Wala namang kaso sa sana akin kaya lang ay hindi ko pa tapos ang assignment ni Kacy. Sa talino kasi ng kapatid kong iyon, hindi pinagpala ng galing sa drawing.

"Sige po, may iba pa po bang kailangan dito sa bahay?" wala akong nagawa kundi tanggapin ang pera niya. Bahala na kung late na mapasa 'to ni Kacy, hindi naman siguro siya magagalit sa akin.

"Bili ka na lang din ng mga noodles." walang ganang aniya.

Tinalikuran niya ako pagkatapos ay sumalampak sa sofa. Nag-cellphone lang siya habang ang mga anak niyang si Jeff at Prince ay inaasikaso ni Kacy. I didn't have a choice but to follow her. Bukod sa mas matanda siya sa amin, ginagalang ko siya. Ayaw ko rin naman utusan si Kacy na lumabas dahil madilim na.

Nilakad ko na lang mula sa amin hanggang sa Ministop. Hindi naman sobrang layo, pero pwedeng isang tricycle sana para mas mabilis. Pero bukod sa sayang ang pera, pwede naman ako mag-exercise. Mula nang tumuloy kami rito sa isa mga apartment ni Mommyla, lalo akong natuto sa halaga ng bawat piso.

Umihip ang malamig na hangin. Ang liwanag ng convenience store ang nagsilbing ilaw sa daan. Isang babae ang nakatayo sa tapat. I could barely see her face since she's wear a hoodie. Ang buhok niya nililipad na papunta sa mukha niya pero mukhang wala siyang pakialam.

Kung madaling araw na, matatakot ako sa kanya. Ang advance ni Ate sa halloween!

Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Sinusubukan kong hindi pansinin ang babae. Pero habang papalapit, binalot ako ng pagtataka. Wala namang sasakyan sa paligid. If she wanted to cross the other side, bakit hindi pa siya tumawid habang walang sasakyan?

Isang sasakyan ang lumapit. Nang makita kong iaamba niya ang paa sa kalsada, binilisan ko ang paglalakad. Muntik pa ako mapatakbo dahil sa adrenaline.

Ano bang iniisip nitong babaeng 'to?! Magpapakamatay pa ata?!

But the moment I saw her fall on the floor, hugging her knees tight, and shoulders shuddering... I stopped walking. She was breaking down on the sidewalk.

Ano kaya ang nangyari sa kanya? It must be that painful huh?

I sighed. At least hindi niya tinuloy ang binabalak niya. Tinulak ko ang pinto ng convenience store at saka pumasok. Hindi ko dapat pinapakialaman ang mga ganoong bagay.

Pero hindi ko alam kung konsensya ko ba ang kumakausap sa akin. Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Kahit nakapila na ako at nagbabayad pinanood ko siya mula sa loob. And when she went in and took her ice cream...

"Miss, pati rin 'yong ice cream no'ng babae sa likuran ko." hindi ko na natiis kaya nasabi ko 'yon sa kahera. Bahala na kung magalit siya! I just wanted to do something nice for her.

"Sige sir,"

Nang magawa ang resibo at nakabayad ako, dumirekta ako sa babae. Pinigilan ko siya sa pagkataranta dahil kinakapa niya pa ang bulsa. I held her wrist firmly and she lifted her head. Masama niya akong tinignan na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Binawi niya ang kamay, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Sa totoo lang, she got the looks. Itim na itim ang buhok, maliit ang mukha. Her long lashes made her eyes look wide awake. Kung normal na gabi 'to, hihilingin ko na makita siya ulit.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon