39

70 6 8
                                        

Chapter 39
Storm

"Kuya?"  my lips trembled when I saw Adrian in front of me. Nakaupo ako sa sidewalk kaya hinigit niya ako patayo. He hugged me tightly. Nanginig ang balikat ko habang nakayakap sa kanya. "Nandito ka..."

"Sinabi kong umuwi ka e." he sighed and rubbed my back.

I looked like a disaster. Ito ang isang bagay na hindi ko inakalang magagawa sa akin ni Mikael. Hindi ko inakalang ipaparanas niya sa akin ito. Ang umiyak ng tahimik sa gutter, naghihintay na may makapulot sa akin. I don't think I could forgive him for this.

Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya.

I feel... used.

"Aria, nakita ko na siya." ani Adrian sa cellphone. Hinagod niya ang likod ko at wala na akong lakas na magpaliwanag pa.

Nakaramdam ako ng pandidiri sa sarili. Parang gripo na ang luha ko sa pagtulo. Hindi nagsalita si Adrian at hinigpitan na lang ang yakap sa akin. I felt the fibers of my mascara running down with my tears. I didn't bother to think if I looked like a panda. I just want my kuya to hug me.

"Ano'ng ginawa niya?" malamig na tanong ni Adrian.

"Kasalanan ko, wala siyang kinalaman." pinunasan ko ang mga matang nangitim na dahil sa mascara.

"Wala ka bang tissue? You look horrible." bulalas ni Adrian. He clenched his jaw. Sa harap namin ay tumigil ang sasakyan ng kaibigan ko.

"Pwede bang kay Aria muna ako matulog ngayong gabi? Uuwi ako bukas, ayaw ko lang makita ako ni Tita Clau na ganito."

"Yeah, basta tawagan mo ako kapag nasa bahay na kayo." marahan niyang hinaplos ang buhok ko. His hand went on my back again, gently rubbing it. Inakay niya ako patungo sa kotse saka pinagbuksan ng pinto.

Hindi naman Friday the 13th pero puno ng kamalasan ang araw na ito. Kaninang hapon ay nagkaroon panic attack, pinapalitan ko ang gulong ng sasakyan ko, at ngayong gabi naman ay ginago ako ni Kael.

Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Aria. Namilog ang kanyang mata na tila inoobserbahan ako at hinuhusgahan ang mga desisyon ko sa buhay.

"Galit lang siya Aria, pero mahal niya ako." agap ko sa mga mapanuri niyang mata. Kanina ko pa kinukuyumos ang pantalon para lang mailabas ang inis ko.

"Bakit mo pa ba siya hinahabol, Gen? Ayaw na nga."

"Mahal ko si Kael, Aria."

"Ah! So dahil mahal mo siya, hahayaan mong gaguhin ka? Really, Gen? Ikaw ba talaga 'yan?" sarkastiko siyang humalakhak.

"Hindi mo ako naiintindihan! Hindi n'yo ako maiintindihan." I muttered all of my frustrations. Itinigil ko ang paglukot ng damit. "No one has ever loved me the way he loved me! You don't give up on the people you love that easy."

"'Yung una mong sinabi... Hindi ba pamilyar sa 'yo 'yon?" Aria retorted. "Isipin mo kung saan mo narinig 'yang mga ganiyang linyahan." she scoffed in disbelief.

Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa braso hanggang sa batok.

"Narinig mo na 'yan 'di ba? Alam na alam mo kung saan galing 'yan 'di ba?"

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon