Trigger warning: Mention of self harm and violence
Hope and new beginnings. Tattooed rings and eternal promises. Those are the symbols of my love for Genesis.
Pinagdikit niya ang kamay naming dalawa. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Her hands were smaller than mine. Pinatong niya iyon sa ibabaw ng aking palad. The thin black band of ink surrounded our ring fingers. Naalala ko tuloy ang reaksyon ng pamilya namin noong nakita nila 'yon. They were all shocked that we had no plans of buying wedding rings.
"Handa ka na ba sa speech mo mamaya?" tanong ko sa kanya.
"Of course. Gusto mo ba marinig?" sumandal siya ng maayos sa monoblock.
"No," Hinawakan ko ang kamay niya. I intertwined our fingers to fill the empty spaces.
"Gusto ko maramdaman 'yung feeling na first time ko siya maririnig sa microphone mamaya."We both watched the people roam around each corner of the room. This is Gen's project in collaboration with Sandoval Group. Ang maiimpok na pera dito ay mapupunta sa selected charities nilang dalawa. May ilang art students din na magkakaroon ng opportunities dahil nasali ang gawa nila sa exhibit na ito.
Naging focus ang mga tao sa centerpiece ni Genesis. The painting was entitled, 'Josephine'. Detalyado ang buhok pati ang pagkakaukit sa mukha. Naka-side view ang babae at nakaluhod. Nakatingala siya at yakap ang sarili nang mahigpit; her fingers were hardly pressed on her arms. Sinisilip niya ang liwanag mula sa itaas, ngunit karampot lang ang nakukuha niya galing dito. Ang dilim mula sa kanyang bukas na aparador sa likuran niya ang nananaig.
"After this, I'll focus on my board exam." Genesis uttered with determination.
"You have three months left, kaya mo ba? Huwag mong abusuhin ang sarili mo. Baka bumigay ang katawan mo sa stress."
"Wala ka bang tiwala sa misis mo Mr. Agravante?" Palabiro ang kanyang tinig. She cocked her head on the right, resting it on her palm. Ang kanyang siko ay nakatukod ngayon sa tuktok ng sandalan ng monoblock. Ngumisi siya sa akin.
"Malaki ang tiwala ko siyempre." I crouched to reach the tip of her nose. Dumampi ang labi ko roon kaya tumuwid siya ng upo. "Ayaw ko lang na mapagod ka. Masyado ka nang maraming iniintindi, mangangarag ka."
We saw some of that staff gathering the audience. Pumunta na sila kani-kanilang assigned table. The waiters and waitresses served them wine. Lalong humigpit ang kapit ni Genesis sa kamay ko. Nag-aabang na ang mga tao sa kanya.
Lumapit ang isang babaeng attendant sa amin. May hawak itong microphone at dalang mga papel. "Miss Gen, it's time."
"I'll be back, Kael." bumeso siya sa akin. Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak.
"Kaya mo 'yan." I mouthed.
Genesis smiled. She blew me a flying kiss. I caught it for her. Natawa siya dahil doon. Ang cheesy. Hindi na niya ako nilingon ulit dahil iginiya na siya ng attendant sa paglalakad patungo sa podium.
"She's an emerging Filipino artist, a mentor, and a partner of Sandoval Group. Graduate of Bachelor of Fine Arts at New York University. Let's all welcome painter Genesis Agravante!" The master of ceremonies introduced her.
Ako na yata ang may pinakamalakas na palakpak sa loob. Her friends were here too, clapping for her. Nasa isang table kami at lahat kami nakatayo. Sa kabilang table naman ang pamilya namin. Nandoon sina Papa at Tita kasama si Adrian at ang girlfriend niya.
Ginawaran si Genesis ng isang plaque of appreciation. Genesis smiled sweetly and thanked the lady. Tumahimik na ang audience at inilaan sa kanya ang atensyon.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
Ficción GeneralEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...