Chapter 32
Clandestine"Hanggang kailan ka rito?" tanong ko kay Kael panglihis ng usapan. I watched him chew his food. Magana siyang kumain na animo'y hindi nakakakain nang maayos sa kanilang bahay.
"Mga ilang buwan pa ang itatagal ko rito." binuksan niya ang bottled water. "Last month lang namin sinimulan ang project."
"Isang buwan ka na nandito?" halos umawang ang bibig ko. Hindi man kami nagtagpo ng landas.
"Oo, kaya kinailangan ko i-postpone ang paghahanap ko sa 'yo." Matagal niyang tinitigan ang plato. He sighed. Bumalik ang tingin niya sa akin. "Totoo ka ba?"
"Totoo ako. Hindi ka nagha-hallucinate." napailing na lang ako. I laughed mentally. Pakiramdam ko mali ang tawanan siya. I have no idea about what he went through in the past months.
Natulala siya ng sandali. Kinailangan ko pa siya kurutin para lang mabalik siya sa reyalidad.
"Sorry. Wala na kasi akong maayos na tulog." nahihiyang sagot niya. Napahawak siya sa kanyang batok.
"Same." I sipped my drink.
"Saan ka nakatira ngayon? Can I at least have your number?"
"Wala akong cellphone, pero ibibigay ko sa 'yo ang address ko." tipid ko siyang nginitian. Nilahad ko ang aking palad para ibigay niya ang phone. Nakuha niya agad ang gusto kong mangyari kaya inabot niya 'yon.
"Password?" I bit the insides of my cheeks. Ang larawan namin noong graduation niya ang lockscreen wallpaper niya.
"Zero, nine, one, six, zero, one."
Sunod-sunod kong tinipa ang mga numerong binanggit niya. I went to his note app, doon ko na nilagay ang address ko. Pati ang address ng Aelia's Salon, parlor na pinagtatrabahuhan ko ay nilagay ko na rin.
"Hindi naman ako nag-gagala. Diyan mo lang ako matatagpuan. Mauna na ako Kael, may trabaho pa ako." I stood up, pero bago pa ako makalayo ay hinawakan na naman niya ang palapulsuhan ko. Ayaw na talaga ako nitong bitawan.
"When are you free?"
"6 PM, nasa bahay na ako. Wala na akong ginagawa no'n." tipid ko siyang nginitian. I won't run away from him; if that's what he's thinking. "Kung gusto mo, sa bahay ka na mag hapunan."
His eyes twinkled. Nanlambot ako sa tingin niyang 'yon. Para kaming bumalik sa simula ng relasyon namin. His reaction made me remember of the good times. 'Yung mga kaunting salita lang, mamumula ang tainga niya. Holding hands lang, manlalamig o pinagpapawisan ang kamay niya. I remember it too well. I was observing the little things, kahit pinakamaliit na detalye tungkol sa kanya ay inaalam ko. Ganoon ko siya kagustong makabisado.
"Ano'ng gusto mong ulam? Magluluto ako." I want to assure him that I am not going anywhere.
"Curry? Kahit ano, Gen."
"Okay. Hintayin kita." I knew that he believed me when he finally let go of my hand.
Ngayon lang ako nagkaroon ng gana kumilos. 'Yung tipong gusto mo na matapos agad lahat ng ginagawa mo. Atat na atat na akong makita siya kahit magkasama lang kami kanina. I've never been this ecstatic for a very long time.
"Aray miss. Ang sakit." mariing sita sa akin ng customer.
"Sorry po ma'am," I sincerely told her. Ipinagpatuloy ko ang pagtanggal ng kanyang ingrown. Mas dahan-dahan na nga lang ngayon ang paggalaw ko sa nipper dahil natatakot ako na baka dumugo. "Malalim na po kasi."
Binigyan ako ng tip ni ma'am. Napalaban kasi ako sa kuko niya sa paa. Mukhang matagal na siyang hindi nagpapalinis. Kahit na masungit siya ay kinawayan ko siya hanggang sa paglabas. I always make sure that my customers are satisfied with my service. Paano na lang sila babalik sa akin kung hindi maayos at maganda ang paa at kamay nila?

BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
Ficción GeneralEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...