42

76 7 23
                                    

Chapter 42
Candlelight


Nagising ako na nakahiga sa sofa namin. I abruptly sat and fixed my position. Pinapaypayan ako ni Tita Clau. Hindi niya ako matingnan ng diretso dahil sa namumula niyang mga mata. Tulala si Papa na nakaupo sa hagdan, nakahawak ang isang kamay sa railings. Si Adrian naman ay tahimik lang din. Habang si Kael naman ay nakatingin sa sapatos niya, nakaupo siya sa maliit na couch na katapat ko. Melancholy visited our home today.

"I need to call Aria." I declared. Dahil doon ay napatingin silang lahat sa akin. Bago pa ako tumayo ay hinatak ni Tita Claudia ang kamay ko. Umiling siya ng dalawang beses. "No, kailangan ko siya makausap, Tita. Sabi niya sa akin, magkikita pa kami."

"Gen... this isn't going to be good for you." agap ni Adrian.

"Hayaan n'yo na akong matawagan siya." I firmly said. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiyak. Marahil ay may parte sa puso ko na naniniwala na buhay pa siya.

"Ibigay mo na 'yung phone, Adrian." Papa commanded. Tumayo si Kuya para kunin ang phone ko sa kwarto.

Tinapunan ko ng tingin si Mikael. He looked worried but he didn't know what to say. Kung tingnan niya ako ay para bang naaawa siya sa akin.

Ilang beses kong tinawagan si Aria. Her phone was ringing but she wasn't answering. Hindi ako makatingin kay Tita Clau dahil umiiyak na siya.

"Tangina naman Aria, sumagot ka please." I begged in my small voice. Nang makasampung tawag na ako ay saka lang ako tumigil.

I looked at Kael with pleading eyes. "Take me to her. Kung wala talaga siya, gusto ko makita."

His lips parted. Para bang maling ideya ang sinabi ko. Umiling si Tita Claudia kasabay ng pagtulo ng mga luha.

"Dalhin mo ako kay Aria. You all should stop messing with my head." Tiningnan ko sila isa-isa. Pinanghuli ko si Adrian. "Ayon 'yung hindi nakakabuti sa akin."

Padabog akong tumayo. I washed my hands to remove the paint. Naramdaman kong may sumunod sa akin mula sa likod ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

"Genesis, hindi ka kasi pwede pumunta roon. Ayaw ni Tita Jocelyn." mahinahong sabi ni Mikael.

Nagpunas ako ng kamay sa towel. "Bakit? Maiintindihan naman ako no'n ni Tita Jo. Hindi naman niya—"

"Gen, please makinig ka sa akin." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Baka mapagbuntungan ka lang nila ng galit doon."

"Dalhin mo na ako sa kanya!" tumaas ang boses ko kaya natahimik siya. "Kasi imposible... P-paano? Paanong hindi ko alam? Magkasama lang kami... Magkausap? P-Paanong hindi ko napansin na ayaw niya na?"

Hindi nagdalawang isip si Kael na yakapin ako. Nakasandal ako sa lababo kaya hindi ako makaalis. Hindi rin ako makaimik. Ang alam ko lang ay hindi ako naniniwalang totoo ang lahat ng ito. He was just silent like I was. May parte sa akin na gusto siyang itulak pero hindi ko ginawa dahil siya na lang ang kakapitan ko.

"Please... take me to her."

"Dadalhin kita sa kanya pero kailangan makinig ka sa akin. Ipapaliwanag ko rin sa 'yo, okay?"

Tumango ako. Wala namang choice.

Nang makarating kami sa funeral homes, naramdaman ko na ang panlulumo. Hindi na ito kasinungalingan, nagsasabi si Kael ng totoo. Hindi ko matanggal ang seatbelt ko. Half of me wants to go home, while the other half of me wants to find out the truth. Gusto ko makita ang katawan niya. Gusto ko malaman kung siya talaga iyon.

"Genesis, kung wala roon si Tita Jo, maipupuslit kita sa loob." kalmadong sabi niya sa akin.

"At kung nandiyan siya?"

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon