41

67 7 20
                                    

Chapter 41
Alon

The heat of his body warmed my whole being. Hindi na ito lagnat. He's here beside me. Nakayapos pa rin sa akin. Gusto pisilin ang braso ko para talagang masiguro na hindi ako nag dedelusyon lang. Dapat na ba akong mag-unat?

I was a bit tensed to open my eyes. Kahit nakapikit ako ay damang dama ko ang isang pares ng mata na nakatitig sa akin. If I kept on pretending that I was asleep, ano kayang oras ako magigising?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Bumungad sa akin si Mikael na nakatingin sa akin. My heart skipped a beat upon the realization. Hindi ako nananaginip.

"Good morning," Kael whispered. He removed the strands of hair blocking my face.

Lutang ako sa mga pangyayari kaya hindi ako naka-react agad. Halos mahugot ang aking hininga nang haplusin niya ang mukha ko. Lumapit pa siya lalo para mahalikan ang tungki ng aking ilong.

Masyado naging mabilis ang pangyayari kaya binabagabag na naman nito ang utak ko. Sumisimsim ako sa tasa ng kape na tinimpla ni Kael para sa akin. Kaming dalawa pa lang ang narito sa may kitchen dahil tulog pa silang lahat. I sat on the wooden chair comfortably. Tiningnan ko ang paligid mula sa nakabukas na pinto.

"Tingin mo ba makakabangon pa sila mula rito?" tanong ko kay Kael. Nanlulumo kong tiningnan ang maputik na daan. Kahit papaano ay wala na ang mga punong nakaharang. Pero hindi ko pa rin maiwasang maisip... Paano na sila mamumuhay pagkatapos nito?

"Makakabangon pa sila Gen. Walang problemang hindi malalagpasan." Naglapag siya sa harap ko ng scrambled egg at bonete.

"Thank you." I smiled. Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng bonete. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli.

Kinagat ko ang tinapay bago ako anurin ng utak sa kung saan. Hindi ko magawang makapagsaya dahil pakiramdam ko pinatitikim lang sa akin ito ng pagkakataon. Tahimik akong ngumuya pati na rin sa paglunok. Namalayan ko na lang na nakaubos na ako ng isang tinapay.

"Do you think resiliency can make you surpass anything?" wala sa sariling tanong ko. "Sorry, huwag mo na lang sagutin kung naguguluhan ka." I panicked. Inagapan ko na agad siya.

Maybe after this he wouldn't want me. Baka kasi masyadong magulo ang utak ko. Dapat ba pigilan ko na ang sarili magsabi ng kung ano-ano. Kung minsan pa naman ay nadudulas ako. He'll hate to see me wandering around his sight.

Ayaw na niya sa magulo 'di ba? He doesn't like messy Genesis, so you better do good. Para wala siyang kalat na lilinisin.

Kalmado kong kinuha ang tinidor sa gilid ng plato. I stuffed the bonete with eggs. Hindi na uli ako umimik. Less talk, less mistakes.

"I think... sometimes resiliency can make you fake your feelings." kalmado ang pagkakasabi niya no'n. Gumapang ang kamay niya papunta sa kaliwa kong kamay. He gently held it as if my hands were too fragile. "It doesn't surpass everything. Sometimes, people would rather choose to look more positive than actually facing their problems."

"Kael, I don't think this will work out." tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Halos yumuko ako nang uminom sa kape.

Ang bilis ng pagkabog ng puso ko. Hindi ko matantya kung ano ang magiging reaksyon niya. Sisigawan niya ba ako? Magagalit ba siya? Malulungkot?

"D-don't get me wrong. We haven't fixed our issues yet. Nabibilisan ako."

"Naiintindihan ko." a small reassuring smile plastered on his lips. "Ubusin mo 'yang almusal mo. Iinom ka pa gamot."

"Wala na akong sakit." napahawak ako sa noo ko at leeg. Hindi na na pwede maglaga ng itlog sa init. "Init na init na ako rito sa sweater at pajama ko." I pinched the cloth lightly.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon