04

133 12 24
                                    

Chapter 04
Birthday

Nang dumating na ang sumunod na Biyernes ay alam ko na agad ang mangyayari sa buhay ko. I would enter the gates of hell once again. This time siguro ay naka-aircon ang impyernong iyon dahil may mga bisita sila.

I saw some tables outside of our house. May tent sila roon at sa malamang ay mag-iinuman. May pa videoke pa.

"Happy birthday Daddy," Bumeso ako sa kaniya pagkarating ko.

"Salamat, 'nak. Buti pumunta ka, akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko e." Tumawa-tawa siya. "Akala ko busy ka sa school."

Busy nga po, siningit ko lang 'to.

"Hindi naman po masyado, Dy." I smiled halfheartedly. Hindi talaga ako komportable sa mga bisita niya.

"Pare, ayan na ba si Genesis?" Dinig kong tanong ng isang boses.

Nagtaasaan ang balahibo ko sa pamilyar na boses na iyon. 'Yon 'yung kaibigan ni Daddy na pulis din. Hindi ako lumilingon sa kaniya dahil ayaw ko siyang makita.

"Oo, ito na si Gen. Dalagang dalaga na e 'no?" Sagot ni Daddy sa kaniya. Hindi pa rin ako lumilingon. "Magmano ka sa Uncle Romy mo, Gen."

"Po?" I asked my dad for clarity. He has this confused look because of my response. Para makabawi ay ginawa ko na lang ang sinabi niya at nagmano roon sa kaibigan niya.

"Mabait na bata pa rin ah," Humawak siya sa balikat ko at pinisil iyon. He even moved his thumb to caress it.

Umatras agad ako. I felt a pang on my chest. Parang sampal sa akin na narito siya ngayon.

"M-magandang gabi po." I tried my best not to stutter. Hindi ko siya tinitignan dahil ayokong magtama ang mga mata namin. "Pasok na po ako sa loob, Dy."

I almost got anxious by seeing the number of visitors in our house. Tama nga ako, binuksan nila 'yong aircon sa sala. Ang ilang kaibigan ni Mommy ay narito rin.

My mother looked decent in her green sleeveless dress. Bagong gupit siya at naka pink lipstick pa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto ko humanga na wala siyang bagong pasa. Mukhang ceasefire ngayon.

"Gen, kain ka na. Maraming pagkain doon oh." She greeted me with a smile plastered on her face.

I'm in awe of how pretentious our family could be. What the fuck?

"Maya na lang ako, My. Punta muna ako sa kuwarto." I kissed her cheek before going into my room.

I made sure that the door is locked so no one could get in. I feel suffocated in this household.

Dapat hindi na pala ako pumunta. Ibinagsak ko ang mga gamit na dala ko sa may sahig. I sat at the end of my bed. Pinagpag ko ang balikat ko. I felt his touch linger on my shoulder and I hate it.

Isinandal ko ang likod sa may headboard. I covered myself with my blanket like a child hiding from the monsters underneath her bed.

I couldn't collect myself. Nabubuhol na ata ang utak ko pero hindi naman ako makaiyak. Nag-isip ako kung anong gagawin, matagal pa bago sila umuwi. Ayokong makita si Uncle Romy. Nandidiri ako sa kaniya.

I peeled the dry skins of my lips. Habang nag-iisip ako ay tinatanggal ko ang mga iyon. Hindi pala talaga ako makakalabas ng kuwarto. Natauhan lang ako na kailangan kong tumigil nang naramdaman kong mahapdi na at may nalasahan na akong dugo.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon