49

71 5 15
                                    

Chapter 49
Unsaid Truth

Mamaya. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yung mamaya na tinutukoy niya.

My whole body was soaking in the water except for my hair. Ayaw ko nang umahon dito sa pool dahil giginawin lang ako. Everyone was tired because of the event. Si Alice ay nakasandal ang ulo sa balikat ng asawa. Her eyes were closed. Mukhang handa na nga matulog dito sa pool. Lhaine was zoning out; si Mikee nangingiti sa ka-text, katabi niya ang boys na nag-iinuman. Hindi namin kasama si Adrian dahil tatawag daw ang girlfriend. I guess, LDR.

"Gen, sorry kanina." Nagsalita si Maxon. "If it made you uncomfortable, we're really sorry."

"That's what I'm telling you kanina, babe. Hindi ka nakikinig." dumilat si Alice at matamang tiningnan si Maxon.

"Hayaan na. Ayaw ko naman maging killjoy." I politely replied. "Nagtanong din naman ang kuya mo sa akin kung ayos lang ituloy." bumaling ako kay Maxon. "And he was nice enough not to—you know." nagkibit balikat ako. "Mali ko rin, hindi ako nagsabi sa inyo. Hindi rin alam nina Mikee 'yung sa amin."

"Okay na kayo..?" Nag-aalangang tanong ni Alice. Her expression changed. Alam ko agad kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi pa, nagtatampo sa akin."

She sighed. "Maaayos n'yo 'yan."

Lhaine laid her head on my shoulder. "Basta alam ko, ikaw na susunod na ikakasal."

I hope so too. But at this point I can't imagine our wedding! My man is mad at me. Balak ko pa naman sana sagutin siya sa date na paghahadaan ko. We'll go island hopping in Cebu! Pero ngayon maiiba ang plano ko. Hindi ko pa nga siya boyfriend ay pinasama ko na ang loob.

"Goodnight guys, akyat na kami. Antok na 'to." Ani Maxon. His wife was already sleeping on his shoulder. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito para gisingin. "Baby, let's go upstairs. Sa kwarto mo na ituloy 'yang tulog mo."

Pupungas-pungas ang mata ni Alice at parang hindi na naiintindihan ang nangyayari. Sumunod na lang siya sa asawa na inalalayan siya paalis ng tubig. She seemed to not know what she was doing. Binalutan siya ng tuwalya ni Max saka sila tuluyang umalis.

Inggit na inggit ako sa dalawa. Damn! I hate fights with Kael. Kapag ang mabait ang ginalit mo, hindi ka matatahimik. Para silang dormant volcano. Hindi nila sasabihin sa 'yo kung kailan sila sasabog. Isa o dalawang beses na yata ako nasigawan ni Kael. Hindi ko nalimutan ang pagbuhos ng emosyon niya dahil sobrang frustrated niya sa akin noon. And hell, he's scary! I don't want to agitate him ever again.

"Lasing na 'to." Turo ni Elmo sa tulog na si Mikee. Ang mukha niya ay nakasandal na sa table.

"My wife's waiting for me." Napakamot sa ulo si Zed. Akma siyang tatayo pero pinigilan siya ni Elmo.

"Hatid muna natin 'to!" Inis na saad ni Elmo.

"Ayan oh, sama mo si Lhaine." tinuro niya ang katabi ko na ngayon ay nakataas ang kilay. "Yiee."

"Alright! Ako na sasama, huwag na kayo magtalo." Lhaine swam towards their direction.

"Ikaw Gen? Hindi ka pa aahon?" Zed asked. "Wala ka nang kasama."

I shook my head. "Magmumuni-muni muna ako."

"Okay, enjoy your alone time. Goodnight." He waved his hand. Nagsama-sama silang apat at pinagtulungang buhatin si Mikee. She's literally wasted, sobrang pagod din.

"Gen bukas ah! Breakfast!" pahabol ni Lhaine. Gusto talaga nilang sulitin ito. Alam nilang tutulugan ko sila.

I breathed heavily as I stared at the sky. Malamig at madilim ang gabi. Hindi ito kasing-tahimik ng iniisip ko. Kasama ko ang mga kuliglig na nag-iingay. Para bang pinapaalala sa akin ang mga kailangan ko sabihin kay Mikael.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon