40

61 6 18
                                    

Chapter 40
Imperfect


"Maayos ka na?" malamig na tanong ko sa kanya. Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap niya. I drew a deep breath and looked down. Pinagmasdan ko ang sapatos niyang maputik. Mukhang nahirapan siya papunta rito.

"May sasabihin ka pa ba? Kailangan na ako ng mga volunteers." I met his tired eyes. Mukhang nadismaya siya sa naging reaksyon ko. Hindi niya iyon inaasahan. Nagtaas ako ng kilay at ibinaba ang tingin sa mga kamay niyang nasa magkabilang braso ko.

"Wala na." Mahinang aniya, halos yumuko na sa kahihiyan.

"Okay, paki-lock na lang ng pinto kapag lumabas ka na." I smiled faintly. Nilagpasan ko siya at dumiretso na sa pag-asikaso ng relief goods.

Tumulong ako sa pagluluto ng lugaw para sa mga biktima ng kalamidad. Narito kami ngayon sa main evacuation center. Masinop kong tinakal ang lugaw sa cup. Siniguro ko na walang mas marami at mas kaunti. People are starving and so am I. Pero mamaya na ako. Hindi mapakali ang utak ko kakaisip kung bakit pa ako pinuntahan ni Mikael.

Was he guilty? Obviously Gen. Guilty siya kasi ang dami niyang sinabi at akala niya ay nadisgrasya ka. He felt responsible for it. That's all—dahil akala niya nasa bingit ka ng kamatayan.

"Maraming salamat po." ani ng isang ginang sa akin. Pasimple ko siyang nginitian. Tinulungan siya ng dalawa niya pang maliit na anak. "Ingat 'nak, baka mapaso ka."

I looked away and diverted my attention. Something pinched my heart and I do not want to elaborate it. Sometimes I don't want to watch interactions of mothers with their children—it makes me miss something. Inasikaso ko ang mga tao sa pila. Si Suzette ang taga bigay ng bottled water sa kanila.

"Ako na diyan." ani ng sumulpot sa gilid ko. Kumuha si Kael ng dalawang cup, nagtatangka siya kunin din sa akin ang sandok.

"Matulog ka na lang Mikael, mukhang mahaba ang naging biyahe mo."

"Please, Gen. You should rest." may halong pagsusumano na sa kanyang tono.

Nang mapansing nakatingin sa amin si Suzette ay inikutan ko sila pareho ng mata. I huffed. Iniwan ko ang sandok sa malaking kaldero at nagsimulang maglakad palayo. Hell, if rumors spread... I don't know how Verissa would react. Gusto ko nang layuan si Mikael lalo na't nasa harap ko naman ang katotohanan na may ibang babaeng kasali rito.

Men...

I don't have prejudice against them, it's just that I do not trust them.

Sumasagi na tuloy sa isip ko na kahit pagbalibaligtarin ko ang mundo, lalaki pa rin si Kael. He has his instincts. Sooner or later he will fuck his principles. Just like how my biological father ruined his marriage and how the man I considered my father violated my mom. Kaya mabuti pa na ako na lang ang umiwas.

Ayoko na. Sawa na ako bigyan silang lahat ng pagkakataon saktan ako.

I slept for about an hour or two. Nagising ang diwa ko nang makarinig ng kulog at ulan. I held my chest lightly. Hindi naman siguro kami delikado sa lugar na 'to.

Nang makarinig ako ng bulong ng hangin napagpasyahan ko ng bumangon. I went outside. Dumayo ako sa court. I decided to help the other volunteers to distribute the blankets and pillows.

Mabuti na lang at naka-tent sila. Sa ibang lugar ay naglalatag lang karton sa sahig. Maingay at siksikan. Dito kahit papaano ay may privacy.

Ganoon pa rin ang routine ko kinabukasan.

"You're too dedicated, Genesis. Have you slept yet?" biglang bukas ni Peter ng topic noong lunch namin.

"Sleep?" mahinang utas ko. "Yeah pero paputol-putol. Nabobother kasi ako sa kulog." I told them honestly. Ihiniwalay ko sa isang tabi ang ampalaya. Hindi ko nagustuhan ang pagkakaluto nito dahil masyadong mapait.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon