02

147 12 60
                                    

Chapter 02
Luck

Pagpasok namin sa gate ay napansin ko na agad na medyo maliit ang space kumapara sa mga naunang napagtanungan namin. Pero para sa akin, sakto lang ito lalo na hindi naman ganoon karami ang gamit ko.

This is a small bungalow house. Dalawang kwarto at isang C.R. lang ang meron. Sakto lang naman sa akin dahil pwedeng storage room ang isa.

Uuwi pa rin naman ako sa amin kapag Biyernes hanggang Lingo. 'Yon kasi ang sinabi ko kay Mommy para makumbinsi siya sa gusto ko.

"Ano po sa tingin n'yo Ma'am?" tanong sa akin ng lalaki.

Hindi ko mawari kung bakit kanina ko pa siya nakikitang pasimpleng sumusulyap sa akin at nangingiti. Hindi ako naiilang, nabubwisit ako.

Ayaw ko siyang husgahan na manyak dahil mukhang disenteng tao naman siya. Ang ayoko lang ay parang hindi niya ako siniseryoso.

Ganoon na ba ako kaganda at hindi siya makapag-focus sa mga pinagsasabi niya tungkol sa bahay?

"Sure na bang three thousand five hundred 'to?" Tanong ko sa kaniya. He nodded twice.

"Opo Ma'am," he flashed a smile once again.

"Kunin ko na." I said without hesitating. I saw how Alice looked concerned but shoved my hand to tell her that it's fine.

"Talaga po?" His eyes widened. "Ah, sandali lang po, kunin ko lang 'yong kontrata!" aniya sabay takbo palabas.

"Cute," Alice uttered and shook her head. "You must be his type."

"Gaga, mukhang lutang na lutang nga e." I gave her a look of displeasure.

"Nasa apartment pala ang true love." Gumatong pa si Maxon kaya naghagikgikan silang dalawa roon.

Inirapan ko na lang sila. One versus two. Siyempre talo ako rito. Baka hanggang sa paghatid sa akin sa bahay ay asarin nila ako tungkol sa lalaki. Maririndi lang ako.

Pinagpapawisan ang lalaki nang makabalik. Hinihingal siya habang bahagyang hinihila ang shirt para mapaypayan ang sarili. Medyo natagalan siya, mukhang hinanap niya pa ang kontrata.

"Ito na po, Ma'am." aniya nang iabot sa akin ang isang folder.

"Gen, na lang." I said as opened the folder. Binasa ko ang front page at nakitang kay Eloisa Sylverio nakapangalan ang bahay.

My forehead creased. Magkaano-ano sila ni Aria?

I shook my head. Marami namang Sylverio.

"Kuya ano pangalan mo?" lakas loob na tanong ni Alice.

Nag-init ang pisngi ko. Kael nga raw, hindi ka nakikinig kanina Alice.

Gusto ko siya samaan ng tingin dahil alam ko kung saan patungo 'tong ginagawa niya. Ayaw ko lang iyon ituloy dahil makikita ako ng lalaki. Nag-focus na lang ako roon sa kontrata.

"Mikael po Ma'am, pero Kael na lang." He introduced himself in the most respectful way.

Binasa ko lahat ng nakasulat sa kontrata. I needed to move out as soon as possible. Lahat naman 'yon ay naintindihan ko kahit scanning lang ang ginawa ko. No pets allowed daw. Okay lang wala naman akong alaga.

Luminga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng patungan para hindi malukot ang papel kapag pinirmahan.

"Ay pasensya na po Ma'am Gen, hindi ako nakapagdala ng mapapatungan. Pero kung ayos lang po sa inyo ay okay lang sa likod ko." he politely offered and turned around.

My lips parted. This is awkward.

Nakita ko ang pagpipigil ng bungisngis ni Alice. Siniko pa niya si Maxon. Halatang nangaasar na naman. Ayaw ko lang na mapahiya itong si Kael kaya pumunta na agad ako sa likuran niya para gawin ang sinasabi niya.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon