12

86 6 0
                                    

Chapter 12
Irrational

"What's this?" Tanong ko kay Kael habang tinitignan ang isang booth na puro plato. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para iharap doon sa isang pader sa kaliwa ko.

The white wall has been vandalized. Nagkahalo-halo na ang iba't ibang kulay ng pintura at magkakapatong na rin ang mga salita. Isang malaking "putangina" ang nakasulat sa buong pader. Itim ang spray paint na ginamit doon. Wala namang ibang tao ang naroon kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon na makalapit sa pader. Gusto kong basahin ang mga hinanakit na isinulat doon ng iba't ibang taong nagpunta na rito.

PAGOD NA AKONG MABUHAY

Kumirot ang puso ko sa nakita. Iyon agad ang una kong mabasa. Sumunod akong pumunta sa kanan ko. May hugis puso kasi roon kaya gusto ko malaman ang nakasulat sa loob.

PAKYU JEREMY HINDI LANG IKAW LALAKI SA MUNDO! MAKAKAMOVE ON DIN AKO SAYO!

Doon ako natawa. Kung sino man siya, sana naka-move on na siya kay Jeremy. Sumunod kong napasadahan ng tingin ang maliliit na letrang kulay asul.

hindi tanggap ni mama na bakla ako

Ang tapang niya para umamin. Sana tanggap na siya ng magulang niya ngayon.

Luke, I'll never let you see our child. Tandaan mo yan. Sana masaya ka diyan sa babae mo.

Whoever wrote that, she's a strong woman. Saludo na agad ako sa kaniya. I know she would raise her child well. Mahirap maging magulang lalo na kung mag-isa ka. Gagampanan mo ang pagiging ina at ama ng anak mo.

Umatras ako para tignan ang kabuuan ang ng pader. There are about a hundred stories of people who wrote their personal baggage here. Hindi ko alam kung ilan sa kanila ang dinadala pa rin ang bigat ng problemang isinulat nila sa pader na iyan. I have no idea how many of them already surpassed the battles they wrote here. But one thing is for sure, all of them are brave to admit what they are going through. Doon palang, humahanga na ako sa kanila.

Reading these confessions made me realize that sharing your vulnerability is not entirely wrong. As long as you tell it to the right people, the ones who would never judge you—you will be okay.

I'm glad that this wall became their safe space.

And I'm extremely glad that I found a person whom I consider my safe space.

"Gusto mo rin bang magsulat?" Tanong ni Kael sabay lahad sa akin ng paint brush.

I smiled and took the brush from him. Sa kaliwa niyang kamay ay isang maliit na lata ng Boysen ang hawak niya. The color he had was navy blue.

"Pagkatapos mo magsulat diyan, batuhin mo iyon ng plato. Sumigaw ka! Solid 'yon." He wiggled his brows.

"Okay," I simply answered. I dipped the paint brush to the paint he was holding. I walked towards the wall. Pinili ko ang isang corner doon kung saan may space pa kahit paano at pwede pang sulatan.

Fabian

Iyon ang unang pumasok sa isip ko kaya 'yon ang sinulat ko. The name of that person who keeps on breaking my heart into pieces.

Pagod na akong maging anak n'yo.

Sana maputulan ng bayag si Romy

Sana matauhan na si Mommy

The side of my lips rose. There, my heart felt lighter. I became the most honest version of myself.

Marami pa akong pangalan at mga bagay na nilagay doon. Mistulang death note na ata ang ginawa ko. Lumingon ako kay Kael na naroon sa kanan ko. Medyo malayo siya sa akin dahil ayaw niya raw takpan 'yung mga doodles ng iba. Sayang daw kasi. Kahit nakatagilid ako ay nababasa ko ang sinusulat niya. There's this close to blank expression on his face that I couldn't read.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon