24

94 4 13
                                        

Chapter 24
Hope

"Bumaba na," Adrian smiled when he showed me the thermometer. Kahapon, sabi niya pwede na raw magprito ng itlog sa noo ko sa sobrang init.

I clasped my hands. "Okay hatid mo na ako sa townhouse. Magaling na ako." maligayang ani ko kahit ang totoo ay ginaw na ginaw pa rin ako.

Binalot ko ang sarili ng comforter. Pangalawang araw na ako rito sa kanila. Adrian's family took care of me. Kung tutuusin ay ngayon lang ako nag-buhay prinsesa habang may sakit. Usually ako pa nagluluto ng sabaw ko pati na rin nag-aantabay ng temperatura ko.

Tumalim ang tingin ni Adrian sa akin. "Hindi ka pa magaling. Paos ka pa nga e."

"Hindi ako pwedeng magtagal dito, may hihintayin ako sa bahay ko." my voice was still raspy. Alam kong hindi ako papayagan nina Tita Claudia umalis sa lagay kong 'to. Nag-baka sakali lang ako kanina.

"Kayo ba no'n ni Kael? Live in?"

Nagulat ako sa straightforward na tanong niya. Muntik ako mabulunan sa sariling laway. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ah!"

"Tss," umirap si Adrian. "Genesis, para lang sa kaalaman mo. Ikaw 'yong tipo ng babae na dapat dinadala sa altar bago—"

"Adrian!" sita ko sa kanya dahil alam ko na kung saan iyon patungo.

"Sinasabi ko lang. Para alam mo."

"I'm not a kid. Marunong ako kumilatis ng lalaki," pangangatwiran ko pa. "Hindi ganoon si Mikael."

"Still, you have to be careful." paalala niya. "May mga walang hiyang lalaking iniiwan ang mga babae pagkatapos ng sex. In worse scenarios, nag-iiwan pa ng bata. Tsk." humalukipkip siya.

"Oh, e ba't hindi sila ang pagsabihan mo?" I spat. Masyadong protective, hindi ako sanay na natatalakan ako nito. Mas gusto ko na ako 'yong nanenermon.

"Sa dami ng mga iyon tingin mo kaya ko?" binara niya ako. He rolled his eyes once again. "E ikaw nandito ka na sa harap ko. Mas maganda kung aware ka."

I shook my head in disbelief. Binalik niya ang thermometer sa loob ng pouch. He wrote something on the notepad. Sinulat niya roon ang temperature ko pati na rin ang oras na uminom ako ng gamot.

"Adrian... bago ko makalimutan. Pwede pa bang humingi ng favor?" bumuntong-hinga ako. "Huwag mong tatawagan si Kael. Huwag mong sasabihan 'yon sa nangyari ah. Busy 'yon ngayon... nabigyan ng project sa Tagaytay."

Kumunot ang kanyang noo. "Wala kang balak ipaalam 'to?"

"Sa susunod na linggo pa ang uwi niya. Bago palang siya sa trabaho niya,  ayokong magkaproblema siya roon. Baka ma-bad shot sa boss."

Adrian clenched his teeth. Humalukipkip siya at tila hindi nagugustuhan ang sinasabi ko.

"Dito ako magpapagaling, tapos uuwi ako sa townhouse. Please." I reached for his hand. Ngumuso pa ako para magpaawa.

"Ang init mo pa, matulog ka muna." he dismissed my words. Hindi niya rin pinapansin ang kamay ko.

"Please..." hinabaan ko pa ang nguso dahil baka maawa pero hindi yata naging effective.

Hindi niya ako pinapansin kahit ilang beses ko siyang tinatawag. Inayos niya ang pagkakasalansan ng unan ko at doon na ako sumuko. Lumabas siya ng kwarto na hindi ako kinakausap.

The people here have been so protective of me. Pakiramdam yata nila na kapag tumayo ako ay mapuputulan ako ng paa! They want me to sleep and rest all the time. Nabuburyo na nga ako at kinakalikot na ang kung ano-ano sa kwarto na pwedeng pagkaabalahan. Kanina sinubukan kong basahin 'yong classic English book na nakalagay sa loob ng drawer. Pero ending, wala akong naintindihan.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon