25

54 5 14
                                    

Chapter 25
Disaster

"Okay ka na, hija?" Tita Claudia asked. "You must be tired." inabutan niya ako ng bottled water.

"Thank you po," nakayukong saad ko. This feels suffocating.

"Where's your boyfriend?"

"Po?" napahawak ako sa batok ko. Alam ko nagpuntang restroom si Kael. Gusto ko lang klaruhin niya ang tanong o kaya ibahin. That's what I always do when I'm uncomfortable with the question. Binibigyan ko ng pagkakataon ang kausap ko na ibahin ang tanong.

"Your boyfriend... Hindi mo pa siya pinapakilala sa amin. He seems to be a great guy." she obviously want to divert the topic.

"Oh, uhm. Tita kasi—"

"Let's go?" biglang sumulpot si Tito Franko sa harap namin. "Adrian's in the car. Kasama 'yong—si Mikael."

Sumulyap sa akin si Tita Claudia. I smiled politely. Ayaw kong ipaliwanag sa ibang tao ang mayroon kami ni Kael.

"You're going to see him again, Gen. You have to prepare yourself." paalala ni Tito sa akin. "You did a great job, earlier. Sabi rin 'yan ni attorney kaya lang daw ay may emergency siyang pupuntahan kaya pinasabi na lang."

Tunog ng heels na tumatama sa sahig ang nagpalingon sa akin sa kaliwa. It was my mother walking towards our direction. Hindi matago ng kolorete ang pagod sa mukha niya. She looked worn out.

"Genesis, pwede ba tayong mag-usap?" Mommy sounded so hopeful.

"Tara na Gen," walang buhay na ani ni Tito Franko na parang wala lang si Mommy. Tinabihan siya ni Tita Claudia na bumuntonghinga.

I swallowed hard. After everything she said there? Parang hindi ko kaya. Parang gusto ko masuka uli dahil hindi kinakaya ng sikmura ko na tinraydor niya ako.

"Franko, anak ko pa rin siya." mariing sabi ni Mommy. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan.

"You failed as her mother the moment you chose your husband over her. Narinig mo ba ang mga sinabi mo kanina Geneva? Hindi ka ba nahihiya sa anak mo?" ngumiwi si Tito Franko. "Sinabi mong nagsisinungaling siya."

"Genesis, please. Kahit sandali lang?" Mommy pleaded. "'Yong tayong dalawa lang sana." she emphasized her last sentence.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I nodded. Tito sighed heavily, alam niyang talo siya.

"We'll wait for you, Gen." Tita Claudia tapped my shoulder. Dumistansya sila sa amin ni Mommy.

"Bilisan mo lang, ayaw ko po ng gulo." hindi ko siya matignan sa mata. These past few days I've been living my life with peace. Pero tila sa isang pitik, bumalik ako sa dati. Iiyak na naman ako. Malulungkot na naman ako. I'm tired of this cycle they put me through.

"May plano ako para sa atin... Aalis tayo at pupuntang Bulacan." panimula niya sabay haplos sa aking kamay. "Iiwan natin lahat dito... Mamumuhay tayo ng tahimik." a tear fell from her eye. "Kaya ako umalis para sa atin."

I clenched my teeth. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. She could have done it better. Pwede naman siyang magpaalam o magpalusot kay Daddy para hindi na humantong sa ganito.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Magtiwala uli sa 'yo? Mommy! 'Yung asawa mo na tatay ko..." I pointed myself. Malapit na mabasag ang boses ko. "Sarili kong tatay, My... He assaulted me! Pagkatapos mong tumistigo roon para linisin ang pangalan niya... Ngayon lumalapit ka sa akin na parang walang nangyari?" my chest rose and fell. Pagod na pagod na akong umasa sa kanya.

Suddenly, her eyes made its way to my neck. Tumitig siya roon na parang gulat at may mali sa leeg ko. I unconsciously touched it to hide it from her; kahit wala namang dapat itago. Her lips parted when she looked into my eyes.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon