08

93 10 26
                                    

Chapter 08
Care

TW: child abuse and self harm

Kumapit ako sa angkasan ng mahigpit. Dinama ko ang hangin na umihip sa aking mukha. Binagtas namin ang malubak na daan. It's a shortcut, hindi traffic dito at kaunti lang tao.

Tahimik lang si Kael at hindi ko rin siya kinakausap dahil ayaw ko siya ma-distract. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalagpas na kami sa daan na iyon at nakakita na ako ng mga pamilyar na establishments.

"Kuya!" someone yelled from behind. Lumingon ako roon at nakita kong si Kacy pala iyon kaya tinapik ko si Kael para pumreno.

Bumaba ako sa bike at inayos ang pagkakasukbit ng sling bag. Naglakad papalapit sa amin si Kacy at kitang-kita ko na puno ng pagtataka ang mga mata niya sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Saan kayo galing Ate?" I sensed judgement in her tone.

I am not judgemental, but I am also certainly not naive. Alam kong may iba siyang iniisip sa akin. I saw how her brows twitched earlier. Baka akala niya may something sa amin ng kuya niya.

"Intramuros, may ginawa lang kaming project." Kalmadong sagot ko. I said the complete details so that she wouldn't ask a follow up question.

"Natuloy si Tita, Kacy?" tanong ni Kael sa kaniya. Hindi pa rin siya bumababa ng bike kahit kausap niya na ang kapatid.

Tumango si Kacy. "Tapos iiwan sa atin si Prince at Jeff." she rolled her eyes.

Ngumiwi at umiling si Kael, halatang hindi nagustuhan ang binalita ng kapatid.

I cleared my throat. "Una na ako, salamat uli." I waved my hand a little to excuse myself.

"Sige, Gen! Ingat baka madapa ka pa." biro niya sa akin. Dahil tuloy doon ay sinundan ako ni Kacy ng tingin.

Tinalikuran ko sila dahil ayokong maging maldita. Kung ibang tao siguro iyon, sasabihin ko ay dudukutin ko na ang mata. But it's Kacy and she's Kael's sister. I can sense that she's just protective of her brother.

"Aanak anak kasi siya tapos hindi naman pala kayang alagaan. Tss." I heard Kacy complain. "Tapos si Rhea, pinababayaan lang ni Tita Anna na pagala-gala roon oh. Nasa bahay naman si Tito Bert pero wala ring ginagawa!" she sounded so stressed.

Lumingon ako muli sa kanilang dalawa. Nakabusangot si Kacy at magkakrus ang braso. Parang isang batang nagsusumbong.

"Hayaan mo na, mga pinsan naman natin 'yon. Pinatira nga tayo ni Tita Tess sa kanila noong tayo 'yong walang-wala 'di ba?" Kael patted her sister's head. "Saka si Rhea, tawagin mo na. Doon na kamo siya sa atin maghapunan."

"Hanggang kailan tayo magbabayad ng utang na loob, Kuya?"

"Kaye... 'wag ganiyan." sita ni Kael sa kaniya. "Basta, kapag nagkatrabaho na ako at kaya ko na, aalis na tayo rito. Okay?"

"Promise ah?"

"Sa ngayon, tiyaga-tiyaga muna. Sundin na lang muna natin sila." Kael managed to let out a small laugh despite the situation.

I gulped and look away. Nagiging tsismosa na ako. Hindi dapat ako nakikialam sa personal na buhay ng ibang tao. Isinantabi ko na ang mga naiisip at opinyon ko dahil hindi ko pa naman sila lubusang kilala. They haven't shared that sensitive part to me yet.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon