45

84 6 32
                                    

Chapter 45
Miracle

TW: Self harm

"Is it possible that hate could overpower love?" I asked my new doctor. Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang ilang pasyenteng inaalalayan ng nurses.

"Yes." she simply answered.

"I want to hate them. Sa ganoong paraan, mababawasan 'yung pagmamahal ko sa kanila."

I still didn't meet her eyes. Masyado akong distracted sa mga pasyenteng naglalaro ng bola. Paano nila nagagawang sumaya e nasa hindi kaaya-ayang lugar kami? This is like a second prison. It was never close to home.

"Hindi nila ako magawang kamuhian, kaya ako na lang ang magagalit sa kanila."

"Is that the reason why you wanted to take your life that night?"

I didn't answer her. Because at the end of the day, I knew that I wanted everyone to loathe me. Hanggang sa huli, ayaw ko na maalala nila ang masasayang bagay tungkol sa akin kapag nawala ako; mas lalo lang akong mahihirapan.

"Gen, you are alive." Mahinahong paalala niya. "You survived. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na balang araw makakaalis ka dito?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Doc. I'm already lifeless." Suminghap ako, pinipigil ang sarili sumagot ng pabalang.  "Kung buhay ang tawag mo rito, may mali na sa 'yo." I rolled my eyes at her.

Padabog akong tumayo. Binagsak ko rin ang pinto niya bago dumiretso sa ward. Everyone wants to know the reason why I want to end my life, but none of them cares about how I managed to live for the past years. I was literally hanging by a thread all the time. Isang pitik lang sa akin, gumuguho agad ako.

They have no idea what I went through that night; what emotions and thoughts I pondered.

Perhaps this is a part of my hallucinations. Kinapa ko ang mukha niya. I even poked his nose accidentally. Siguro ganitong paraan talaga ako kukunin. Pinapakita sa akin kung ano itsura niya bago ako mawala. My favorite illusion.

Siya ang huli kong nasilayan. My vision went all black but I could still hear inaudible noises. Hindi ako makapagsalita o makagalaw. Bumabagal ang pagtibok ng puso ko habang tumatagal. It was the only thing I could hear clearly.

"Gen..." gumaragal ang boses ng lalaking tumatawag ng pangalan ko. "No, no, no. Don't close your eyes." he kept on tapping my cheek.

"Genesis? Naririnig mo ba ako? Please wake up." I heard someone wailing; a voice of a man, begging me to wake up. "Nandito na ako, oh. Please..."

Dama ko ang init ng yakap nito sa akin. Sinasalo niya ang ulo ko at paulit-ulit hinahaplos ang buhok ko. My eyes were too tired for them to open.

And my heart... it was still thumping loud. Kahit gaano ito kabagal ngayon, dinig at dama ko ang lakas nito.

"Mahal, gising na oh. Please..." kahit basag ang boses niya ay para niya akong hinehele. "Please, I'm sorry."

I felt my body rise. It seems like the angels were already taking my soul somewhere else. Nakakarinig ako muli ng hagulgol. Pero huli na ang lahat. Desidido na ako.

"You're still alive Genesis, tumitibok pa ang puso mo. Please fight for me." someone whispered.

Pinakamagandang panaginip na ata ito sa tanan ng buhay ko. Natatanaw ko ang dulo bahaghari sa walang katapusang bughaw na langit. Nakahiga ako sa damo at napapaligiran ng mga iba't ibang kulay ng bulaklak. Gumagalaw ang mga ulap sa langit. Hindi gaanong tirik ang araw at hindi pa ako napapaso. Butterflies were everywhere, flying freely like no one would dare to catch them.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon