31

80 5 13
                                    

Chapter 31
Need

Kael, I promise to work on myself. Para kapag bumalik ako, deserve na kita.

Naiintindihan ko naman silang lahat. I was never the perfect person for him. Wala akong ginawa kundi ang hatakin siya pababa. Kaya lang, hindi pala porke naiintindihan mo ang sitwasyon, ibig sabihin no'n ay hindi ka na masasaktan.

Maingat kong kinulayan ang balat ng batang ginuhit namin sa pader. Sinigurado kong walang lalagpas kaya hindi ako nagpapaabala sa mga kasama ko ngayon. Ito ang unang mural na pinagkatiwala sa akin. I don't want to disappoint them. Lalo na public school ito, araw-araw nila makikita ang nilikha ko.

"Kaya ba 'tong matapos bukas?" tanong ni Gabby. Paulit-ulit niyang winiwisik ang kamay na pawis. Pasmado masyado itong lalaking 'to.

"Yuck!" iritadong sabi ni Jewel. Binato niya ng basahan si Gabby. Nagharutan pa sila, parang mga bata.

"Arte mo, ganda ka? Si Gen nga hindi nag-iinarte e." humagikgik si Gabby. Binato niya pabalik kay Jewel ang basahan.

Hindi ko sila pinansin, tinatapos ko lang 'yung bata. Once I'm done here, pwede na ako kumain ng tanghalian. Hindi rin naman kasi ako mapapayapa kapag hindi pa ito natapos.

"Genesis, hindi ka talaga nag-enroll? Sayang naman, huling taon mo na sana." Gabby asked out of a sudden.

"Saka na, wala pa akong pera." I answered without glancing at them. Patapos na ako sa skintone ng bata. Buti na lang at natimpla ko ng tama ang kayumangging pintura kaya hindi ito naging kasing kulay ng puno ng kahoy.

"Ang yaman ng pamilya mo. Sana pag-isipan mo 'yan nang mabuti. Sayang naman ang galing mo kung hindi mo magagamit." pangaral niya sa akin. He always reminds me of my potential. Hindi ko nga alam kung bakit ang laki ng tiwala niya sa akin.

"May kaya lang..." pagtatama ko sa kanya. Hindi ko naman kaano-ano talaga sina Tita Claudia. I should be thankful that they late me stay here in their province.

Life has never been easy for me. Nang makarating ako rito sa Cebu ay kung ano-ano pa ring nga salita ang narinig ko sa ibang tao.

"Kailan mo pa alam?" tanong ko kay Tito Franko. Wala si Tita sa loob ng sasakyan kaya natanto ko na ito na ang tamang tiyempo para tanungin iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nila ginawa iyon ni Mommy. Hindi ko masikmura. Kapatid niya si Fabian, pareho pa silang may asawa ni Mommy no'ng panahong iyon. At ang maisip na isang taon lang agwat namin ni Adrian? Kinikilabutan ako. Nagloko sila kahit may pamilya nang nabuo.

Hindi ko na alam kung kanino ako magagalit.

"Noong mag high school ka. Kaya pinalipat ko sa school mo si Adrian para mabantayan ka."

"So hindi mo binalak sabihin sa akin?" Napasinghap ako, tinanggal ko na ang seatbelt.

Kung high school niya na nalaman at college na kami noong malaman ni Adrian, ibig sabihin ay may alam si Daddy bago pa magkagulo. Is it the reason why he's hurting my mother? 'Yun ba ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa amin at lagi silang nag-aaway?

Matagal na niyang alam. Matagal na nila akong niloloko. I've suffered so much because of their sin!

"I don't want the truth to break you."

"Kahit wala pa 'yung katotohanan, I'm already broken. Your brother broke me." walang gana kong sagot. "And guess what? I was his punching bag since I was fourteen. I was sexually harassed by his friend and he knew it. Sana makatulog ka nang mahimbing habang iniisip lahat ng pagkukulang mong hindi mo na kakayaning mapunan." padabog kong binagsak ang pinto ng kotse.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon