09

147 9 12
                                        

Chapter 09
First Kiss

"Sorry," I apologized to myself. I caressed the butterfly that Kael drew on my wrist.

Napangiti ako. Sometimes, we forget that we don't deserve the way we treat ourselves too. Kailangan din pala natin mag-sorry sa sarili natin pa minsan-minsan.

Hindi ko na binura si Bob kahit noong nakaligo na ako. Hahayaan ko na lang na kusa siyang mawala. Maybe if the ink's fully gone, I'll just draw a new one. It's a good alternative though, I'm starting to resist the temptation.

Sana kaya ko palagi.

I gawked at Kael who's now busy talking to his friends. Halata namang nag g-group study sila dahil seryosong-seryoso ang mga mukha nila at 'yong iba ay nakakunot pa ang noo. Kanina pansin ko rin ay nag di-discuss sila. Nagtatalo pa nga e, samantalang si Kael ay pangisi-ngisi pa tapos pinaglalaruan at pinapaikot  lang ang ballpen sa kamay niya.

I minded my own business and saved Kael's photo from Facebook. Kumuha ako mula roon sa album ni Andrie. Pinili ko iyong may hawak siyang sumbrero na nakatapat sa kaniyang dibdib. Wala rin naman kasing profile picture si Kael. Kahit tagged photos ay wala. Siguro ay kailangan pa ng approval niya bago siya ma-tag. Very private person.

Kinuha ko ang sketch pad ko pati na rin ang mga lapis. I wanted to practice how to draw him. Nagyabang ako sa kaniya na saka ko siya i-do-drawing kapag magaling na ako e. Soon once I learn how to properly draw him, I'll give it to him as a thank you gift.

I started to sketch his face. Lalo kong na a-appreciate 'yung features niya. From those eyes full of comfort to those honest lips. Naisip ko lang, ang galing pala ng mga magulang niya. Sandali man sila naging present sa buhay ni Kael pero napalaki siya ng ayos. The way he talks about his mother speaks volume of his upbringing. He's not just a good friend, but he's also a responsible kuya.

"Gen, tara na. Kain tayo." dinig kong aya niya.

Nag-init ang pisngi ko. Isinara ko agad ang sketch pad at mabilisang binulsa ang cellphone. Baka mamaya makita niya at iba ang isipin. Mahirap na.

"Wendy's?" He asked me, and I nodded. 'Yon kasi ang usapan namin kanina. "Dala ko 'yong bike ko."

"Dala ko rin 'yong akin."

"Nice," Akma niyang kukunin ang backpack ko pero sumenyas ako na huwag na.

The moment I saw Kacy's hawk-like eyes that day, I knew that she didn't want me to be around his brother that much. I want to avoid other interpretations because I don't want to lose my friendship with Kael. Dito kasi sa school ko, siya lang ang tinuturing kong kaibigan bukod kay Zurine.

Nag-convoy kaming dalawa. Siya ang nauna kaya panay ang sita ko sa kaniya dahil nalingon pa siya. Hindi naman ako mawawala. Ano ako? Bata? Good thing we successfully went there. Sabay din kaming pumila dahil hindi ko rin naman alam kung ano o-order-in ko at sa labas naman namin kakainin.

My eyes drifted at the cute child in front of us. Buhat siya ng kaniyang mommy. Namumula ang kaniyang pisngi na parang galing sa pag-iyak. She's sucking her thumb while looking at my direction.

"Pst," siniko ko si Kael. He looked confused at first but then I pointed him the baby. Pansin ko kasi na 'yong baby girl na buhat ng babae sa unahan namin ay nakatingin sa kaniya kanina pa.

"Hello," Kael said in his gentle tone. He waved at the baby. Ngumiti ang bata sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagpansin.

Tinakpan ni Kael ang mukha niya gamit ang dalawang kamay kaya nangunot ang noo no'ng bata. He then revealed his face which made the baby giggle. He did it thrice. Nag it-bulaga sila roon kaya hagikgik nang hagikgik 'yong bata.

Embracing the Night SkiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon