28

66 5 14
                                    

Chapter 28
Diary

Day 01
The moment I knew you existed, I already wanted to be the best for you. Help me bring light to her world, for you have already given me enough sunshine.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko iyon. Patago kong binabasa ang mga sinulat ni Kael sa kanyang bagong diary. Ang sabi niya sa akin ay dapat daw magsulat din ako para mayroon kaming babalikan na alaala 'pag lumaki na ang anak namin.

I didn't expect him to be this hands-on and sentimental. Going through this book feels illegal but enjoyable at the same time. Para akong nabigyan ng pagkakataon mabasa ang laman ng isip niya.

I flipped the next page. Nagulat ako nang makita na nakadikit pa roon ang litrato ko noong nag-tapsi kami. Nakanguso ako at puno pa ng pagkain ang bibig. There's a heart sticker beside it. Hindi pa nga maganda ang placement dahil sa air bubbles. Pinindot ko iyon para neat tignan.

"Mama ganda," pabulong kong basa. I twisted my lips and smirked.

Tama ka diyan, Kael. Your child will inherit these genes, thanks to me. Dapat ka talagang magpasalamat sa akin.

Nang marinig kong umingit ang pinto ng banyo kaya binalik ko na sa bag niya ang diary. Sinigurado kong maayos ang pagkakalagay no'n tulad ng kung paano ko ito kinuha kanina. Siningit ko iyon sa may damit niya. When I saw the doorknob twisting, I sat on my bed.

"Tara?" tanong ni Kael.

Tumayo ako at kinuha ang backpack. Humabol ako ng tingin sa salamin. Hinawi ko ang buhok habang tinitignan ang hitsura ko. Nagpapanggap akong walang ginawang kalokohan kanina.

"Genesis, please prioritize your health and your studies. Huwag mo muna isipin ang mga gastusin, ako na roon." paalala niya habang naglalakad kami patungong sakayan ng jeep.

Guilty akong tumingin sa kanya. I'm sure this is about the money. Nainsulto ba siya roon?

"Galit ka ba? I'm sorry kung hindi mo nagustuhan. Wala akong ibang intensyon doon Kael."

"Hindi ako galit sa 'yo, nahihiya lang ako." he patted my head. "Thank you, I know you're just concerned."

"Sorry pa rin. Dapat sinabihan kita." bumuntonghinga ako.

"Hmm, next time." he draped his arms on my shoulders. "For now, let me provide for us. Ayaw kitang ma-stress tungkol sa pera. Mahihirapan ka ng siyam na buwan para sa anak natin, isasabay mo pa sa pag-aaral mo. Hayaan mong ako muna ang umintindi sa ibang bagay. In that way, pareho tayong hindi mabibigatan."

"Okay, noted." I gave him a peck on the lips. Naglakad na ako patungo sa jeep na nakahinto. Kumaway ako sa kanya bago siya maglakad palayo.

Hindi ako relihisoyong tao pero nang makita ko ang pagbagsak ng balikat ni Kael, parang kinurot ang puso ko. Gusto ko siya ipanalangin nang maiigi.

I closed my eyes to pray in silence.

Guide him, Lord. Give him wisdom to make the good decisions.

***

Pwersahan kong tinulak ang pinto ng cubicle. Mukhang hindi tinanggap ng sikmura ko ang pagkain na in-order namin ni Aria. Hindi ko naman inakalang mauuwi sa ganito ang lunch namin.

"Gen?!" hinagod ni Aria ang likod ko. Halatang nagulat siya sa pagtakbo ko sa cubicle.

Patuloy ang pagsuka ko sa bowl. Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa pader ng cubicle. Si Aria naman ay patuloy ang paghagod ng likod ko. Ilang segundo rin ako nagtagal sa pagsuka. Nanininikip ang dibdib ko kaya kinailangan ko pang masahihin.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon