37

87 5 18
                                    

Chapter 37
Stargazing

Kung tingin niya ay susukuan ko siya matapos niya akong pagsabihan ng masasakit na salita, nagkakamali siya. I just have to tame him. He's Kael, my Kael. I know him very well.

Nanatili ang titig ko sa magkasiklop kong kamay. Hinaplos ko ang infinity ring sa aking palasingsingan. I need to lay my plans already or else I'll ran out of time. I need to reach Aria. Kailangan ko na siyang makita sa personal. Hindi niya binubuksan ang mensahe ko sa kanya sa Facebook. I'm pretty sure she's mad at me too. Kailangan ko na maagapan iyon bago pa na silang dalawa ang magalit sa akin.

I ran my fingers through my hair until its ends. Marahan kong minasahe ang ulo. Hinihintay ko si Miss Ryza sa pagpirma ng mga dokumento kaya naman narito ako sa cubicle ko. I'm her executive assistant, and now I'm currently working at La Forteza Construction Group Inc. Nakakapag-adjust na ako sa ilang araw ko rito.

"These are all approved," panimula niya sa akin nang magpunta siya sa cubicle ko para iabot ang dokumento. "Set me a meeting with Mr. Simone tomorrow at 3:00 PM."

"Yes ma'am," kaagad kong binuksan ang laptop. Mabilis kong tinipa ang inuutos niya sa aking listahan.

"Oh, and before I forgot. You'll come with me at the site later. Gusto ko makita ang progress ng restaurant."

Ngumiti ako at tinanguan siya. When she got what she wanted, naglakad na siya patungo sa kanyang office. Ang ilang officemates ko ay nakatingin pa rin sa gawi namin.

"Genesis, pupuntahan n'yo siguro 'yong boyfriend ni ma'am." pabulong na sabi ni Suzette. Sumilip pa siya sa aking cubicle. "Balitaan mo kami kung pogi." humagikhik siya pati ang ilan naming katrabaho.

I didn't reply. Ngiti na lang ang ginawad ko kasabay ng iling. Iniiwasan ko kasing madawit sa tsismis o makitsismis. Gossiping and rumours are the root of toxicity in a workplace.

Tumigil ang van sa harap ng site. Nakahanap din kami sa wakas ng lugar kung saan pwede mag-park. Tumunog ang isang notification sa aking iPad mini. Sinilip ko kung ano iyon at nabasa ang reminders. By 4:30 kailangan makabalik na kami sa office.

"Ma'am, we have a meeting at—"

"Babe!" Miss Ryza shrieked. Lumabas siya ng van para salubungin ang isang lalaki. He welcomed her with open arms.

Napangiti ako sa kanilang dalawa. They looked good together.

I also went down. Pinadulas ko ang pinto ng van para masara bago naglakad papunta sa direksyon ni Miss Ryza. Mabuti na lang at may baon akong sneakers. Paniguradong maalikabukan ang paa ko kung sakali. My eyes searched at the site if there's a near bathroom. Malayo ang biniyahe namin at hindi kami nakapag stop over. Dinadahan-dahan ko lang ang paglalakad dahil ihing-ihi na ako.

Pero imbis na banyo ang makita ko...

Dumako ang mata ko sa blankong mga mata ng lalaking ayaw na ako makita. Kahit nakasuot siya ngayon ng kanyang puting hard hat, kitang kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya. Umawang ang bibig ko kasabay ng pagtatambol ng puso ko. Kael fiercely walked towards us, ang mga kamay ay nasa bulsa.

"Engineer Agravante is doing a great job on overseeing this project Ry." puri ng boyfriend ni Miss Ryza rito.

"Oh great, buti naman nagkasundo sila ni Peter." sagot ni Miss Ryza. She smiled sweetly. "By the way, I forgot to introduce my new EA. Genesis, this is Edwin and Kael."

I gulped. "Nice to meet you po." hindi na talaga ako komportable dahil pantog ko! Lalo na sa titig ng lalaking 'to sa harap ko.

"Is there something wrong, Gen?" malumanay na tanong ni Miss Ryza sa akin. Ang mga kasama tuloy namin ay napako ang tingin sa akin.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon