38

53 4 0
                                    

Chapter 38
Mine

Pinagkiskis ko ang mga palad para naman makaramdam ako ng kaunting init. Buong katawan ko yata ay lalamigin na sa pinaghalong kaba at lakas ng aircon dito sa lobby. My eyes wandered around to observe the interior.

"Yes, babawi ako. I'm sorry Issa." sabi ni Kael sa kausap niya sa phone. "Wala pa ako sa bahay."

I bit my lower lip. That woman's name again. Kung hindi pa sila, obviously they are dating. Hindi naman ugali ni Kael ang magbigay ng mixed signals. Once he got his eyes set on you, he will remain loyal.

Hindi ko alam kung talo na ba ako... o kung ano pa ang habol ko sa kanya. Malinaw namang ayaw niya sa akin at sinabi niya iyon. Siguro gagaan lang ang loob ko kapag handa niya na akong pakinggan. Kahit hindi na mapatawad.

At the end of the day, that is what I'm fighting for; for him to know the truth so both of us could have our closure. We could leave our past behind and move on with our lives. Isa pa... maitatanong ko na rin kung saan niya nilibing ang anak ko.

I hate convincing myself that it was fine with me even if we don't get back together. Alam ko naman sa sarili kong mas gusto ko na magkabalikan kami.

If I am really eager to win him back, dapat alam ko kung may sabit.

Binaba ni Kael ang tawag. He put his phone on his pocket. Napanguso ako nang makita na ang latest iPhone pa ang meron siya. Before he could catch me staring, I looked away. Nangangapa pa rin ako sa mga pagbabago niya. Gusto ko malaman kung paano siya nakabangon mula sa pinsalang iniwan ko. Mula sa kotse, hanggang sa phone. Wala ng bakas ng dating Mikael.

"Pababa na 'yon." he nonchalantly said.

I pressed my lips together until they formed a thin line. Hindi ako umimik dahil alam kong ayaw niya rin naman ako kausap. Pinagbigyan niya lang ako sa hiningi kong pabor kaya dapat huwag ko na siyang kulitin.

I peeled the excess skin of my lips while thinking. Ilang beses ko hinatak ang balat hanggang hindi natatanggal. Ano kaya ang sasabihin ni Aria kapag nagkita kami? Ipagtutulakan niya ba ako palayo? Susungitan?

"Magdudugo 'yan, tigilan mo. Tsk." Kael grabbed my hand.

Tumigil ako sa ginagawa. Naguguluhan ko siyang tinignan. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa. Nang magtagpo ang mata naming dalawa ay lumambot ang tingin niya. My heart skipped a beat.

Totoo ba iyong ekspresyon na 'yon? Namamalikmata lang ba ako?

Umiling siya at kaagad na binitawan ang kamay ko. Nilagay niya ito sa ibabaw ng hita ko. I was contemplating on what happened. Magtatanong pa sana ako, pero dumako ang tingin ko sa bulto ng isang babae.

"Alas diyes na ng gabi Kael, ano na naman—" natuod si Aria mula sa kinatatayuan. Her questioning eyes pierced on me.

Aria changed—for the better. Ang height niya, ganoon pa rin. Hindi na nadagdagan. However, she looked more glowing and matured. Lagpas sa balikat na lang ang kanyang buhok. Mukhang nabawasan din siya ng timbang dahil wala na ang chubby cheeks niya. Hindi na ako nakapagpigil. Tumakbo ako patungo sa kanya. Yumuko ako para maabot siya at mayakap nang mahigpit.

"What the fuck?" hindi makapaniwalang saad niya habang hawak ang magkabilang balikat ko. "Buhay ka..." her voice cracked.

Tumango ako at niyakap siya uli. Pinipiga ang puso ko nang maramdaman ang panginginig ng balikat ni Aria. Nilingon ko si Kael mula sa likuran.

"Thank you." I mouthed.

His face softened and he nodded. Kumaway siya bilang pamamaalam, binibigay na sa amin ni Aria ang moment. Kung bukas ay tatratuhin niya na naman ako na parang hindi ako kilala, okay lang. At least binigay niya sa akin 'to.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon