Chapter 46
His Point of View II"Masakit ba?" mahinahong tanong ko. Marahan kong nilapatan ng band-aid ang pisngi ni Genesis pagkatapos ko malagyan ng ointment. Umusbong ang inis sa dibdib ko habang tinitignan ang gasgas.
"Hindi naman." simpleng sagot niya pero hindi pa rin sapat iyon para kumalma ako.
"Hindi ka lumaban?" I think I mastered the art of maintaining a straight face. Kahit na masama ang loob ko ngayon, nagagawa ko pa ring makipag-usap nang matino.
Umiling siya.
"Bakit? Kung tutuosin kayang-kaya mo 'yung babae na 'yon ah."
"Natakot ako..." inilayo niya ang tingin sa akin, making me more curious of her answers.
"Natakot ka sa kanya?" I probed more.
"Hindi, natakot ako sa sarili ko."
I was taken aback by her answer. May nangyari hindi maganda, panigurado. Kaya lang, gaano ito kalala para hindi siya makagalaw kanina?
"Bakit ka natatakot sa sarili mo?"
"I've done something really bad in the past..." mabagal at halos pabulong niyang sabi. "Never mind, baka mag-iba tingin mo sa akin."
Tinapunan ko siya ng tingin. Hindi ko napigilan ang pagiging disappointed. Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan? Hanggang ngayon hindi niya kayang magsabi sa akin?
"Kailan kita hinusgahan huh?"
And then she began to tell the story. Mas lalong naging big deal sa akin ang sitwasyon. Pinakinggan ko maigi ang kwento. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari ulit. When it comes to Genesis, I don't take things lightly.
"Hindi naman lalaki ang issue na 'to, kung sinama lang nila ang pangalan ko sa paper!" sininghalan ni Lauren si Zurine.
"Ang kapal ng mukha! Ikaw na nga ang walang ambag, ikaw pa may ganang magalit." lintanya ni Zurine sa harap ko. Dinuro niya si Lauren kaya naman pumagitna ako sa kanila. "Mag-sorry ka roon sa kaibigan ko! Kinalmot mo pa ang mukha bruha ka!"
"Tama na!" tumaas ang boses ko. Tumigil naman sila sa pagtatalo dahil sa gulat. Pareho ko silang tinignan. "Ano ba kayo, bata? College na kayo. Pinapakwento ko ang nangyari para malinaw ang mga side ninyo. Para alam ko na ang sasabihin sa office."
My Gen has been hurt. Kung para sa kanya maliit na gasgas lang 'yon, pwes sa akin hindi. I saw how she was dazed in confusion while there's an ongoing commotion. There was fear in her eyes that she failed to conceal.
"Zurine, hindi ko alam kung ano'ng parusa ang ibibigay sa 'yo." I heaved a sigh. "Ikaw Lauren, humanda ka. Nakasaad sa handbook natin na bawal ang violence sa kapwa estudyante. Ang tanda mo na, hindi mo pa alam 'yan?" hindi ko sinasadyang insultuhin o sermunan siya. But I want her to know that her behaviour has consequences.
Yumuko siya at nag-iwas ng tingin. Zurine sneered. Hinilot ko ang sentido ko bago ko sila sinama papuntang office. There I realized, both boys and girls have their own set of dramas.
Hindi ko na itatago. What's the use of hiding feelings when it's pestering you day and night? Hindi na ako nagkaroon ng peace of mind simula nang sabihin ni Kacy na may nagpuntang lalaki sa apartment ni Genesis tapos may dala pang donut.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
Genel KurguEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...