48

93 5 35
                                    

Chapter 48
Wedding bells


"Hi Aria, nandito na ako ulit.." Naglagay ako ng puting bulaklak sa tabi ng puntod niya. Nagdala rin ako ng scented candle na iiwan ko rito. "I'm sorry kung hindi kita nadadalaw ah. Nawala kasi ako sa tamang direksyon e..." hinaplos ko ang lapida niya. "But I'm back now and that's what matters. I still miss you everyday and sometimes I wish... I wish we had more time. Sana naiparamdam ko sa 'yo na sapat ka."

"Pero alam mo? You should be proud of me." I smirked. Para bang niyayabangan ko siya sa harap ko ngayon. "Hindi ko na sinisisi ang sarili ko. I'm okay now. Alam kong ito rin ang gusto mo para sa akin 'di ba?"

"Goodbye for now, Aria. Magpapakita na ako sa mga kaibigan ko. Please hug my baby for me." I smiled to myself when I realized that I was really healed. "I love you both."

Ni wala na akong maramdaman na bigat sa dibdib kahit ayon ang mga sinabi ko. Back then, when my intrusive thoughts speak louder than my own voice, I only wish to stay silent. There was a war zone in my head and I was one of those bruised and beaten soldiers. But now, I could fight them. I'm finally the one who's in control.

"Bitch ngayon mo lang ako naalala!" Humagulgol si Lhaine sa harap ko. "I searched for you! Everywhere!"

Tulala ako habang hawak-hawak niya ang kamay ko. I was so distracted by her beauty. Kahit namumula ang buong mukha sa kakaiyak, maganda pa rin. Her natural complexion made her glow more. Dati kasi ay sinusubukan ata siya paputiin para maging kasing-kutis ng kdrama actresses.

Gago, legit mukha siyang artista! Maganda naman siya noon, pero iba na siya sa personal ngayon. She looks unreal.

"I watched your mall shows in Cebu years ago. Ang weak mo naman, hindi mo ako nakita roon." pagmamayabang ko sa kanya.

"Bruha!" She pulled my hair as a joke. Lalo akong humaglapak ng tawa.

"Master Genesis, ikaw na ba 'yan?" Isang boses ang tumawag mula sa likuran.

Lumiwanag ang mukha ko nang makita kung sino ang mga nandoon. It was Mikee. Kasama din niya ang boys. Zed, Elmo, Adrian were here too. Sama-sama pala kami ngayon sa condo ni Lhaine. Kung tutuusin si Alice na lang ang kulang.

"Hindi man lang kami binalitaan ng brother mo kung nasaan ka." Sinamaan ng tingin ni Elmo si Adrian.

"Bobo!" Binatukan ni Zed ang kaibigan kaya nagreklamo ito. "Sasabihin ba niya kung nasaan kapatid niya e ayaw nga magpakita!"

"Mga hangal," I remarked and ran towards them. Yumakap ako sa kanila at nagulat din sila roon. I was never clingy to my friends.

They all patted my back. Inamin nilang lahat na na-miss din nila ako. Pagkatapos no'n ay nagplano na kami ng para sa bridal shower ni Alice. The boys were busy on their own. Hindi ko alam kung saan nila balak dalhin si Maxon.

"Bawal babae ah. Unfriend ko kayong lahat kapag may babae." Ani Lhaine na pinapaalalahanan ang boys.

"Malamang walang babae, si Elmo lang ang single dito." Pang-aalaska ni Zed.

I looked at my brother who seemed unbothered. Napapaisip tuloy ako, how does he feel about this? Naka-move on na kaya siya?

Kinagatan ni Adrian ang nanahimik kong donut. Kaming dalawa ang natira sa dining area.

"I'm seeing someone, if that's what you're worrying about." basag niya sa aming katahimikan.

"Oh," My lips almost parted. Uminom ako ng kape para lang hindi niya mahalata na gulat ako. "Sino?"

"Saka ko na ipapakilala kapag sure na." he eyed me. Unti-unting tumaas ang isang kilay niya.

"You sound just like me." Inikutan ko siya ng mata bago ko muling sinimsim ang kape.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon