50

90 5 17
                                    

08.27.22. This is the last chapter of Embracing the Night Skies. It's been a year since I wrote ETNS. Thank you so much for staying with me.

𖦹

Chapter 50
Midnight Sky


I removed my earphones as I stepped out of the school building. Pinasok ko sa bag ang cellphone pati ang ballpen na naiwan ko sa bulsa. Hapon na nang matapos ang panghuling klase ko ngayong araw.

I was ready to stroll around the city. Sasakay pa ako ng tren papuntang Brooklyn. I will meet Lhaine.

Hindi ganoon karami ang tao ngayon. Hindi siksikan. I sat on the corner close to the train's entrance. Sinalpak ko ang earphones para magpatugtog at kalimutan muna ang mga tao ng sandali.

Ganito ang ginagawa ni Lhaine kapag may libreng oras o kaya ay malapit na shoot. Sinasabihan niya ako para magkita kami. Noong nakaraan taon ay sa Paris kami nakarating dahil kinailangan ko rin for school purposes

Lhaine styled my hair and outfit for that day. Ang buhok kong mahaba ay kulot, my highlights were visible because of the shampoo she recommended. I felt like a celebrity that's new in the city. My white button up is tucked in my black skirt. Nakasuot ako ng brown leather boots.

She matched our outfit. Ginawa niyang panloob ang puti niyang long sleeves na may collar, habang ang panlabas niya ay isang itim na sleeveless bodycon dress. She finished the look with black stockings and black Mary Jane platform pumps.

Nakataas ang isang paa ko at ang dalawang kamay ko ay nasa harap. The Eiffel Tower was in the background. Malapit nang dumilim kaya pinaghalo ang kulay asul, lila, at kahel sa langit. Ang liwanag ng tore ay kitang-kita.

"Genesis, I'll expose you to my Instagram. Hindi ka nagpo-post ng picture mo!" Lhaine scolded me. Pinakita niya sa akin ang litrato kong natipuhan niya.

"Sige lang." I replied lazily. Atat na akong i-send kay Mikael lahat ng pictures ko. I remember Lhaine complaining about my Instagram feed. Paano kasi puro langit o scenery lang ang pino-post ko.

"Si Kael lang ata 'yung tao na pi-nost mo roon. 'Yung first anniversary greeting mo."

Tumango ako sa kanya. When she was finally distracted, I stretched my arm to take a selfie. I smiled, showing my teeth with confidence. Ganoon din ang ginawa ni Lhaine. Background namin ang Eiffel Tower na hindi na kita ang pinakatuktok.

To Mikael:
Mainggit ka.

And with just a few seconds, he responded.

Mikael:
Bakit ako maiinggit? Meron kami niyan dito 😛

He sent a photo of him, imitating our pose. Nakalabas din ang ngipin niya at may kasama siyang engineer din na mukhang hinablot niya lang sa eksena. Pareho silang may suot na hard hat at ang background nila, ang construction site.

Mikael:
Ma chérie, I know how to speak French.

Voulez-vous coucher avec moi ce soir?

Humagalpak ako ng tawa nang mabasa ang chat niya. Lhaine's shoulder quaked upon hearing my laughter. Kunot noo niya akong tingnan.

Ako:
You're so funny mon chéri

Puro kalokohan. I miss hanging out with him. Truth be told, I am not content with our video calls. I want him with me. Even though I was living my life to the fullest, it felt incomplete without his presence. Noong unang taon ko rito ay palagi ko iyong iniiyak sa kanya.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon