Chapter 06
Bright Light
I pressed the doorbell twice. I was hoping that Zurine's parents aren't here. Ang awkward masyado ng hitsura ko. Mukha akong basang sisiw. Bakit ba kasi hindi siya nag-re-reply sa akin?
"Wait lang!" I heard her voice from the window.
Dali-dali siyang lumabas ng pinto habang nakasukbit ang bag ko sa likuran niya. Pagkatanggal niya ng padlock ng gate ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Napansin kong nakatingin siya sa lalaking katabi ko ngayon na pinapayungan ako.
"Neighbor ko," Pakilala ko sa katabi ko. I pointed Kael using my thumb.
When she didn't respond, I decided to introduce them to each other.
"Zurine, si Kael... uhm—kaibigan ko." Nahirapan pa ako mag-isip kung ano sasabihin ko. "Kael, si Zurine blockmate and friend ko." I chuckled awkwardly.
"Hello, nice to meet you po." Magalang na saad ni Kael. Nakipagkamay siya kay Zurine kaya naman natulala ang kaibigan ko.
I cleared my throat so they could end their staring contest. Parang ayaw pa nila bitawan ang isa't isa at nagkakahiyaan pa kung sinong kakalas. Nakita kong namula ang pisngi ni Zurine bago iaabot sa akin ang bag ko.
"Thank you. Bawi ako sa 'yo, ililibre kita ng lunch." I said to assure her.
"Kahit huwag na, ingat kayo." She smiled and waved her hand.
Yumakap ako sa kaniya at saka may binulong.
"Lakad ba kita?" I asked her. I know that she's been eyeing Kael, hindi naman tago ang pagkakaroon niya ng crush sa kaniya.
"Huwag na, nakakahiya. Pang happy crush lang naman siya." She whispered.
"Sure ka?" I asked once again and she nodded. "Okay, noted." kumalas ako sa pagkakayakap. I smiled and waved at her too.
Sumakay na kami ng tricycle pauwi sa compound. Hindi pa rin kasi tumitila ang ulan. Kung sabagay, may bagyo ngayon. Kaya mamaya pag-uwi, maliligo muna ako bago mag siesta. Pagkatapos no'n ay gagawa na ako ng plates at kokopyahin ko ang notes ni Zurine.
"Salamat!" Ani ko dahil inilakad niya pa ako sa mismong tapat ng bahay.
"Salamat din, Genesis." He waved his hand. Hinintay niya pa akong makapasok ng tuluyan bago siya umalis.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay pinatuyo ko ang sapatos at sinampay ang medyas ko. Nagpakulo na rin ako ng tubig para diretso ang ligo ko.
Pinagmasdan ko ang pagpatak ng ulan mula sa bintana. Hindi ko sinasadyang ma-miss si Daddy sa ganitong panahon.
I missed him... I miss the way he treated me before.
If I remember it correctly, he was really the most thoughtful person I know. When I was a little girl, siguro nasa seven or eight ako noon... Kapag ganitong naulan, automatic na tinitimplahan niya ako ng Milo o kaya naman ay pinagluluto niya ako ng champorado. Tapos ay manonood kami ng random movie sa DVD.
I don't know what happened. Hindi ko alam kung kailan kami nagsimula masira. My memories weren't clear enough for me to remember every detail. Siguro ay sadyang binubura ng utak ko ang masasakit na alaala. Siguro hindi ko na rin gusto alalahanin pa.
Basta ang tanda ko, mula nang maging teenager ako ay nagbago siya ng pakikitungo sa akin. He became ruthless and cold. I just acted like it didn't matter.
But the moment he decided to hit me, I knew that our relationship was already broken. Patalikod ko siyang minumura dahil iyon ang nakakapagpagaan ng loob ko.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
Fiksi UmumEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...
