13

78 7 5
                                    

Chapter 13
Confess


Using a blue pen, I drew a small butterfly on my wrist. When days are dark, I tend to think that I deserve a punishment. I am the reason why my days are gloomy. Hindi ko alam kung bakit napakadali lang para sa akin na kamuhian ang sarili. But with Bob, slowly, I was able to cope.
Sometimes I wish that the ink would stay there forever so he could never leave me.

Nakastretch ang legs ko sa pader ng kuwarto ko sa apartment. I relaxed my back on my bed. Lying in this position while admiring my paintings is a guilty pleasure for me. Iba-iba kasi sila ng tema, iba-iba rin ng kwento. Kapag talaga ako nagkaroon ng sariling bahay, maglalaan ako ng isang kuwarto para sa mga gawa ko.

I heard my phone ring. Inabot ko iyon sa ibabaw ng ulo ko. I saw a text from Adrian pero hindi ko muna ni-reply-an. Inuna ko munang sagutin ang tawag sa group chat namin. Minsan lang kami mag video call. Napaayos tuloy ako ng upo sa takot na bumagsak ang phone sa mukha ko.

"Hi!" Alice greeted in her usual jolly voice.

"Naks, hindi kasama jowa." I teased her and she pouted cutely.

"He-llo ay wait—" nawala si Lhaine sa call dahil mahina yata ang signal. Bumalik din naman siya agad at mas malinaw na ang tunog niya pati na rin ang mukha niya.

"May kukwento raw 'yan, tinamad mag-type." Ani Alice sabay pigil ng ngiti.

"Yep, e wala naman akong close friends dito maliban kay Jupiter." Lhaine chuckled and showed us her hamster in the cage. "Hi daw sabi ng friends ko." biro niya pa rito. Samantalang 'yong hamster walang pakialam sa kaniya.

"Tagal naman, nasaan na 'yong kwento?" Inip na pang-aasar ko habang binabasa ang text ni Adrian.

Adrian:
Nasa SM ako ngayon, anong gusto mo? May gusto ka bang ipabili?

Ako:
Krispy Kreme saka iPad.

Jk donut lang.

"There's someone I like..." Panimula ni Lhaine kaya binalik ko ang atensyon ko sa kanila. "Taga-dito siya, obviously." She let out a subtle chuckle.

Umawang ang labi ko habang pinakikinggan siya. Mukha siyang seryoso sa taong iyon! Hindi ako sanay. Para siyang pinanghihinaan ng loob na ewan.

My forehead creased when I realized that it's so not her. "Oh, e bakit parang ang seryoso masyado? Chat mo na!"

"May iba siyang gusto," agap niya agad. "Wala lang, hindi rin naman kasi kami pwede e. Alam mo 'yon, this is my first time to like someone who's out of my league! Ang hirap niyang abutin..."

"Gusto mo pa ba siyang abutin?" Alice asked her. Sinita ko siya through private message kasi baka ma-off si Lhaine sa tanong.

"Hindi na siguro, doon na lang ako sa kapatid niya. Charot." Bigla siyang tumawa na parang walang nangyari. "Kidding aside, ang sarap siguro sa pakiramdam na masuklian 'yong feelings mo 'no?"

"Sorry, wala akong alam sa feelings feelings na 'yan. Si Alice na lang tanungin mo." Agap ko dahil baka manghingi pa siya ng advice.

"Kilala n'yo ako... If I want it, I would work hard just to have it. Ayoko ng hanggang tingin lang ako. Can you believe it? I fucking tried to cook kare-kare for him! Ayoko nga nang nagluluto! I'm too lazy for that! Ang mga type niya raw kasi ay 'yong mga babaeng kaya ang sarili nila."

Pinigil ko ang tawa ko dahil seryoso siya sa sinasabi niya. Pero totoo, hindi siya pang ganoong mga bagay. Kaya ngayong nag e-effort siya ay sigurado akong gustong-gusto niya 'yong taong 'yon.

"Wala, ayoko na. Baka isip bata lang talaga ang tingin sa akin no'n. He would never see me as someone who could be his girlfriend."

Tahimik lang si Alice at nakikinig. Alam naman naming lahat kung bakit. Aside na siya ang may maayos na love life sa amin, we know how Maxon won't let her do most of the work in their relationship. Iba-iba naman ang tao at ang mga relasyon.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon