19

79 6 7
                                    

Chapter 19
Colors

"Gen, gising na. Male-late tayo." Naramdaman ko ang pagyugyog ni Kael sa balikat ko.

"Five minutes." Inis kong tinapakan ang mukha ko ng unan. Inaantok pa ako.

"Kanina pa tunog nang tunog 'yung alarm mo." Marahan niyang tinapik 'yong balikat ko. "Gen, dali na, gising na." I felt him hovering on top of me dahil sa paglubog ng foam. Naramdaman ko ang tuhod niya sa may bandang legs ko. Marahas niyang hinablot 'yong unan kaya napilitan akong dumilat. I glared at him.

Hinatak ko ng isang beses ang blinds. "Ang dilim pa oh! Sige na five minutes pa, sinasayang mo oras ko na pwedeng itulog." I begged him. Bumalik ako sa pagkakahiga pero hinatak niya ang magkabilang braso ko para tumayo.

"Dali na. Nag-init na ako ng tubig. Kanina pa kumulo 'yon. Kilos na, para makapag-almusal pa tayo. Nagluto ako." Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha. Bahagya siyang tumawa sa hindi ko malaman na dahilan.

Umirap ako at iritadong binawi ang braso. Hindi ko siya tinitignan kahit nang kunin ko ang tsinelas ko.

"Kilos na, mahal!" pang-aasar niya pa dahil alam niyang doon ako naiirita.

"Shush!" Tinapat ko 'yong index finger ko sa labi niya. Nagmadali na akong magtiklop ng kumot pati unan. "Oh shit, anong isusuot mo?" Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko iyon. Hinarap ko siya at nakita kung gaano siya ka kalmado.

"Nagbaon ako!" He proudly replied. "Pahingi na lang ako ng extrang tuwalya."

Umawang ang bibig ko. Prepared siya? So planado 'to?!

I shook my head to snap back to reality. "Kumuha ka roon sa pinakailalim na drawer. May extra ako roon."

Binuksan ko ang cabinet para ihanda ang isusuot ko. Sa sobrang tamad ko ay hinatak ko na ang isang black casual dress doon na short sleeves.

"Gen, tinatawag ako ng kalikasan. Sorry, una na 'ko. Iinitan na lang kita ulit ng tubig!" Tinapik niya ang balikat ko pagtapos ay kumaripas ng takbo sa CR.

Lumipad ang kamay ko sa 'king noo. Sa isang iglap ay parang nag level up kami. Paano nga kami napunta rito?

"So ano tayo?" tanong ni Kael habang naghihintay kami ng masasakyang jeep. "Friends? Best friends na kaunting lovers?"

"Ang weird Kael, 'wag na natin pag-usapan." Tinuon ko ang atensyon sa mga nagdaraan na jeep. Hindi naman kami late, pero punuan na ngayon. Sa totoo lang ay mas gusto ko sa dating apartment. Walking distance lang doon samantalang dito ay isang sakay ng jeep. If only my safety wouldn't be compromised, I'd stay there.

"Okay." Tumango siya. Kinagatan niya 'yung bonete na binaon niya pa habang naglalakad.

"Payag ka sa ganito lang?" Humarap ako sa kanya. I arched a brow. Patuloy lang siya sa pagnguya ng tinapay. Kapansin-pansin pala ngayon ang eyebags niya. I wonder what time did he sleep? Noong naabutan niya ba akong nananaginip ay patulog palang siya no'n?

Umiling si Kael kasabay ng paglunok. "Mas gusto ko maging boyfriend mo, 'yong may pinanghahawakan. Pero nirerespeto ko 'yong desisyon mo." ngumiti siya pero parang may iba pang nakatagong emosyon doon.

Tumigil na ako sa pagsasalita at binalik ko ang atensyon sa mga jeep. I pressed my lips together.

Ayoko ng ganitong pakiramdam; parang hinahalukay ang sikmura ko. Pero kahit na ganoon, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang ginawa ko. Na hanggang ganito lang kami. Dapat kaming makuntento sa meron kaysa wala.

"Wow, ganda ah. Ganda. Babaeng babae."  Ipinilig ni Zurine ang ulo at sinuri ang mukha ko. "Ganda ng lipstick."

Kanina pa ako iniintriga ni Zurine dahil sabay kaming pumasok ni Kael at wala siyang nakukuhang sagot sa akin. Bawat papuri niya sa akin ngayon ay may bahid ng malisya.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon