song: farewell darling by cym
Trigger Warning: This chapter contains sensitive content. Reader discretion is advised.
***
Chapter 30
MercyWhen we were younger, we see how a situation revolves around the colors black and white. We were taught that right is always right, and wrong is always wrong. There's nothing in between.
Hindi na natin sinubukang tignan ang mga rason sa bawat tama at bawat pagkakamali. Because we know that no matter how many times we justify the wrongdoings of someone, it will still be wrong. Mas madali intindihin ang paliwanag na iyon, kaysa dagdagan ng iba pang kulay o kahulugan ang kwento.
Pero kapag ikaw na pala ang nadehado, kahit ano'ng mali pa ang nagawa mo... susubukan mong itama sa isip mo. Ipipilit mong bigyang katwiran lahat ng kilos mo—kahit pa makasakit ka ng kapwa.
Sa pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang sarili sa apat na sulok na kwarto. Sa awa ng Diyos ay wala nang bakas ni Mommy o ni Daddy. Walang bakas ng dugo ang kasuotan ko, ngunit may naging bakas pa rin ng karahasan.
"Gen? Kumusta pakiramdam mo?" Kael looked like he hasn't slept well. He's already in his ordinary clothes. Medyo magulo rin ang kanyang buhok.
"Kael, o-okay naman siya 'di ba?" nagbabaka sakaling tanong ko. For some reason, my body feels sore. And I didn't like it, masama ang kutob ko. "Ligtas naman 'yung anak natin?"
"Genesis..." hinaplos ni Kael ang kamay ko. "I'm sorry... I'm sorry late ako dumating." he pursed his lips. Humigpit ang kapit niya sa aking kamay. Yumuko siya, hindi niya magawang ipakita sa akin ang mukha.
"Mikael," mariing tawag ko sa kanya. "'Yung anak natin? Ano'ng lagay niya?" sinubukan kong huwag indahin ang pananakit ng katawan ko.
Hindi niya ako sinagot. Biglang nanginig ang balikat niya. He still wouldn't face me. Para siyang may malaking pagkakasala sa akin kaya hindi niya ako maharap.
I swallowed the lump on my throat. Binaba ko ang kamay sa tiyan. Tears formed on the corners of my eyes when the realization hit me.
Wala na siya...
Wala na 'yung baby.
"I'm sorry Gen..." humagulgol si Kael sa harapan ko. Tila hindi siya makahinga sa pag-iyak.
Tumutulo ang luha ko ngunit hindi ko magawang magsalita. Gusto ko magsumbong kung paano ako halos mamatay sa roon aa pananakit ni Daddy. Kung paano nawala 'yong baby namin dahil sa ginawa ni Daddy sa akin. Walang salitang lumalabas sa bibig ko, puro hangin. Para akong nag-iipon ng hangin sa baga ko.
"Kael," 'yun na lang ang salitang nabigkas ko. My mouth couldn't speak other words. Para akong sanggol na hindi alam ang gusto kaya puro iyak na ang lumalabas sa bibig.
All I did was cry. I wailed and grieve for my baby. Hindi ako namamanhid sa sakit dahil damang dama ko ito. Para akong pinarusahan ng langit.
My poor child, you haven't seen us yet. You still haven't experienced our love. Lalo na 'yong sa papa mo, grabe magmahal 'yon. He's going to protect you from this world.
Sana sabay na lang kaming namatay. Hindi siguro ganito kasakit kung nawala na rin ako ng tuluyan.
"Sorry Gen..." sinubsob niya ang mukha sa tiyan ko. Nanghihina ang mga kamay ko habang hinahagod ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
General FictionEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...