14

83 11 5
                                    

Chapter 14
Careless

I wonder if there's a place for lost children and troubled souls, for I am tired of seeking answers and go on this journey on my own.

I wonder if there's a shelter where everyone is allowed to cry, for we should be free to shed tears until it goes dry.

I wonder why there should always be the calm before the storm; a taste of ecstasy before destruction.

I wonder if there is a place for people like us, a place that we would never feel alone.

somewhere

"Wow, magaling ka pala sa ganito," Pinuri ko ang tulang ginawa ni Kael. Gold ang tinta ng pinangsulat niya sa kaniyang brown hardbound notebook. "Ganda."

Hindi ko inakalang marunong pala siya mag-express ng feelings through words. Kung ako iyon, siguro ay nagkabuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko.

Tumunog ang isang notification. Napakapa tuloy ako sa bulsa ko dahil akala ko sa akin iyon, pero mali ako. Kay Kael pala 'yon. Kinuha niya sa bulsa ang phone at binasa ang text.

Sinara ni Kael ang notebook. Doon ko lang nakita na may naka-engrave na Latin quote ro'n.

ad astra per aspera

"May klase na kami, maaga uwi ko ngayon. Hintayin na lang kita?"

"Huwag na, 5:30 pa ang uwi ko."

His lips formed an 'o'. "Pahingi nga ako ng schedule mo. Hindi ko pala na-save sa phone ko."

Pilit kong inignora ang nararamdaman ko. At the back of my mind, my insides were celebrating. Ito ang ayaw ko. Ayokong  mabigyan ko ng kahulugan ang bawat kilos niya. Ako lang ang masasaktan sa huli kung sakali. Masasaktan ako dahil maari akong makasakit.

Shit. Kumalma ka Genesis, ang layo nang narating ng mga iniisip mo!

"Send ko na lang sa 'yo mamaya, wala akong load." Sinubukan kong huwag mautal. Nastuck pa rin kasi ako sa thoughts ko.

At talagang nauutal ka pa?

"Okay, bye. See you, when I see you." Hinablot niya ang pulang backpack na nakapatong sa bamboo chair. He playfully saluted before running. Napailing na lang ako. Mukhang late ang isang 'to.

Ngayong naiwan ako sa loob ng kubo ay napagpasyahan ko na ituloy 'yung drawing ko sa iPad. I stretched my legs over the long bamboo chair. Wala namang tao kaya ayos lang, hindi ako maiilang sa palda. Sumandal ako para maka-relax ang likod ko.

Alam kong sa ginagawa kong 'to, inaalagaan ko lang 'yung namumuong damdamin ko. Pero nangako ako sa kaniya noon. I already created a portrait of Kael before but I wasn't satisfied. Pangalawa na ito, pero sa digital ko naman siya inaaral.

I zoomed his face to give more details on the eyes. I was having a hard time since I want to make them gleam. Doon ko natanto kung gaano kaamo ang buong mukha niya. He's like an angel sent from above to tame a devil like me. Ang layo ng pagitan naming dalawa.

Natatakot ako dahil si Mikael pa 'yung taong nagugustuhan ko. At nararamdaman ko rin na may interes siya sa akin. Hindi ako manhid, babae rin ako. Nararamdaman ko iyon. Alam ko na mabait si Kael pero hindi niya ginagawa sa iba 'yung mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Sa totoo lang, ayokong mag-assume pero pag-amin na lang niya ang kulang.

And that shit scares me.

I agree with Kacy, friends don't look at you that way. Hindi ko alam kung ako lang ba ang sinasadya niyang tunawin sa mga titig niya. Pero ang maisip na ginagawa niya iyon sa iba ay siyang dumudurog sa akin.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon