44

75 5 19
                                    

Chapter 44
Best date

TW: Suicide

Pagbalik namin sa kompanya ay sobrang saya ni Miss Ryza. She's been humming different songs since we left the restaurant.

"I can't believe it, Genesis! We sealed the deal!"

Ngiti na lang ang naging tugon ko sa kanya. Obvious naman na magagawa nila 'yon nina Kael.

Nilista ko sa utak ko ang mga dapat kong gawin pag-uwi. One, I'll write a note about the remaining money I have in the bank. I'll transfer it to Adrian. Two, I'll try to communicate with Auntie Fatima. We had some unfinished business. Three, I'll pack my advance presents for this year's Christmas. Hindi ko iiwan sa ere sina Bettina.

"Gusto ko 'to." I said without any emotion. Itinuro ko sa babaeng attendant ang kulay pilak na kabaong. Nakita ko ang repleksyon ko doon sa katapat na kulay ginto pero hindi iyon ang napupusuan ko. I always wanted a silver one.

Ang tagal ko itong pinag-ipunan.

My fingers glided on the coffin. I gulped when I imagined my own funeral. Kinilabutan ako nang makita ang sarili ko sa loob. Puting bestida ang suot niya at nakakulot ang buhok. May minimal makeup lang. Puro bulaklak ang nasa paligid.

Bigla kong nakita si Kael sa harapan ko. His face was stoic while staring at my sleeping state. Hindi siya umiiyak, wala lang emosyon. Is he sad? Galit ba siya?

Nilingon ang buong chapel. Walang umiimik, lahat sila tulala. Nandoon ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Lahat sila ay nakatingin kay Mikael. Wala silang emosyon.

"Ma'am, okay na po?" the attendant asked.

I snapped back to reality. Nilingon ko siya saka ako tumango. Nang tingnan ko ang kabaong ay wala na ako roon. Wala na si Kael. Wala rin ang mga bulaklak o iba pang dekorasyon.

Pinirmahan ko ang mga papeles na binigay niya sa akin. She looked nonchalant. Kung sabagay, sino ba naman magtatanong at makikialam kung kabaong ang binibili mo?

Inuna ko gawin iyon bago mamili ng pang-regalo. For this year, I got Bettina a cute baby doll dress. Napapansin ko noon na lagi siyang binibihisan ng tatay niya na parang boyish. She also told me that she didn't want to voice it out. Her dad worked hard for that money just to buy her clothes.

"Bagay sa kanya 'to." I whispered as I wrapped my gift for her.

Bumili ako ng mamahaling guitar picks para kay Adrian. I want him to bring back his love for music. Nawala na 'yon mula nang magtrabaho siya. Kay Papa, bagong set ng paint brush. Kay Tita Clau naman, perfume.Meron din akong bracelet na binili para kay Alice at Lhaine. Terno iyon dahil bumili rin ako ng para sa sarili ko.

Hindi ako nakaramdam ng panghihinayang habang binabalot ang mga regalo. I was glad that I bought them. Siguro nalulungkot lang ako na hindi na ako aabot sa Pasko.

"Himala naglilinis ka." puna ni Adrian sa akin.

"Siyempre. Magtatagal ako dito, dapat may ambag." I grinned. I sprayed some disinfectant on the window. Pinasadahan ko ng punas ang area na inisprayan ko. Sumunod ay buong bintana na.

"Nakaka-inspire naman. Dahil diyan, may libreng milk tea ka sa 'kin!"

"Kape na lang!"

"Ayoko baka atakihin ka na sa puso. Pareho pa tayong mag-palpitate." He sarcastically made a face. "Milk tea lang."

Inikutan ko ng mata ang kapatid. Pasimpleng concern din minsan ang isang 'to. Obvious naman na nakakahalata siya sa sunod-sunod na pag-inom ko ng kape at ilang araw na walang tulog.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon