Chapter 03
Cigarettes and NoodlesKinuha ko sa ale ang isang cup ng fishball. Si Zurine ang sumama sa akin ngayong lunch. Nagpapasalamat ako na hindi niya sinama si Margot. I just can't stand her. Masyadong maikli ang pasensya ko para makipagplastikan sa kaniya.
Pinagpag ko ang mga tuyong dahon na naroon sa lamesa. Pabilog iyon at gawa sa semento. Hindi ko gusto 'yong upuan dahil narurumihan ako kaya roon ako sa lamesa umupo. Pareho namang gawa sa semento iyon kaya hindi ako malalalaglag.
"Sasama ka ba sa akin mamaya? Bibili ako ng materials para sa plates." Tanong ni Zurine habang inaayos ang pagkakaupo niya sa tabi ko. Sinubo niya 'yong cheese stick na halos wala namang cheese.
"Sige, pero 'wag na tayo gumala ah. Maglilinis pa ako ng bahay."
I was observing the people walking around the field. Marami-rami ang naglalakad roon at ang iba ay nakatambay dahil break time. Sanay naman ako sa school na maraming tao kaya hindi na bago sa akin ang ganito.
"Gen, gen." Siniko ako ni Zurine kaya nilingon ko siya. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?" her eyes beamed in excitement.
"Hindi." I answered truthfully. Ngumuso siya sa naging sagot ko.
E totoo naman! Malay ko ba sa nakikita niya.
"Bahala ka, gagawin ko na 'yong crush. Wala nang agawan." She smirked and crossed her arms over her chest.
"Saan ba?" Iritado akong tumingin sa kaniya.
"Ayan oh!" Ipinaling niya ang ulo ko sa direksyon na tinutukoy niya.
"Third year Civil Engineering, representative sa Student Body organization sa department nila." Zurine paused for a while. "Scholar din daw 'yan. 'Yon lang ang alam ko tungkol sa kaniya kasi blockmate siya ng ate ko."
I blinked twice. Dito rin nag-aaral si Mikael?
It looks like fate is making its way for us to meet again. Small world huh?
"Anong pangalan?" I asked Zurine so she would give me his full name dahil nickname lang alam ko.
"Isaiah Mikael Agravante." She stated. "Willing naman akong maki-share ng crush kung gusto mo." pabiro niyang saad.
Ganda ng pangalan ah. Lakas maka banal. Mukha rin naman siyang ganoon kaya bagay lang sa kaniya.
Pinagmamasdan ko lang siya roon habang nakikipag-usap. Ang parehong kamay niya ay nasa bulsa. He looked neat in his uniform. Nakaayos din ang buhok niya. Halatang sumusunod siya sa rules ng school dahil hindi lumalagpas sa tainga ang excess hair ng patilya niya.
Para siyang huwarang mag-aaral. Siya nga lang ang nakasuot ng ID sa grupo nila.
Nakipag high-five siya sa ilang lalaking bagong dating. He was smiling from ear to ear. Perhaps their conversation is entertaining.
He seemed outgoing and bubbly. Mukhang hindi naman siya socially awkward sa dami ng kausap niya ngayon. Parang sanay na sanay naman siya makipag-usap. Lahat sila ine-entertain niya.
My forehead knotted when he took something out of his pocket. Ang layo nila kaya hindi namin dinig ang pinag-uusapan nila.
But I think I somehow know how to lip read...
"Ito lang muna ngayon. Next time na lang kapag may pera na ulit." aniya sabay abot ng isang daan doon sa isang lalaki.
I don't know if those words are accurate.
"Alam mo, sabi ng ate ko. Okay naman daw sana 'yang si Mikael. Kaya lang sa sobrang bait parang nagiging uto-uto." Zurine sounded concern.
"Paano naman niya nasabi?" I tilted my head on the side to focus on her statements.

BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
General FictionEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...