26

54 4 16
                                    

Chapter 26
Priority

"Thanks madam Gen! Sa uulitin!" kumaway si Elmo sa akin. Bitbit niya ang bag ni Mikee. Sa kanya rin binigay ng babaita ang iba pa nitong gamit.

"Salamat Genesis, next time ulit!" Mikee grinned.

Pinagbuksan ko sila ng gate para hindi na mahirapan. Humihikab pa si Alice, halatang kulang sa tulog. Adrian gave me a stare that I could not decipher.

"Ingat kayo," tipid ko silang nginitian. I wanted to rest.

Bumeso si Lhaine sa akin. "Genesis, you have to tell him." she whispered on my ear.

"Sasabihin ko rin naman." I hope that would give her enough assurance.

"Good to know."

Kinandado ko ang gate paglabas nila. Bumusina si Adrian ng dalawang beses para magpaalam. I waved my hand and smiled. Nagbigay siya sa akin kanina ng pera, para iyon sa lahat ng nagastos namin.

Nang tumalikod ako sa kanila ay doon ko na naramdaman ang bigat.

Binalot ko ng tissue ang PT. Tinago ko iyon sa loob ng pouch saka nilagay sa pinakaibabaw na drawer. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sasabihin kay Kael 'to.

I sighed and looked at the mirror. Tumagilid ako para makita ang hitsura ng katawan ko. Kaya naman itago 'to, dahil hindi pa naman halata. I want to finish school without anyone knowing.

I felt more sick the next days. My mind was tangled. It came to a point where I could not function well anymore. Hindi muna ako tumanggap ng commission dahil baka hindi ko rin magawa ang gusto ng client.

Hindi ko maintindihan ang presentation ng aming professor ngayon. He was blurry in my vision. Isang kurot sa tagiliran ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. I glared at Zurine. Pinalo ko ang kamay niya dahil masakit ang pagkakakurot niya sa akin.

"Kanina ka pa tinitignan ni Sir, gumising ka diyan."

"Sorry." marahan kong tinampal ang pisngi para magising.

"Ilang araw ka nang ganiyan. May sakit ka ba?" Zurine tilted her head to observe me.

"Wala akong sakit, Zurine. Kulang lang ako sa tulog." I smiled at her. That was a lie of course. Sobra pa nga ata ako sa tulog dahil wala akong gana sa lahat ng bagay.

I straightened my back. Sinandal ko ang likod ng ayos sa upuan. Sinimulan kong makinig sa professor. I am trying to ignore the pain on my abdomen. Binaba ko ang kamay roon. I lightly massaged it to alleviate the pain. Tila isa iyong paalala na mayroon akong unsettled issue. This is physically and mentally draining me. I need to decide now.

I wiped my mouth with a tissue. "Sayang, sa 'yo na lang." inabot ko ang ham and cheese sandwich kay Zurine. Kinagatan ko lang iyon pero hindi ko nagustuhan ang lasa. Kahit break time ay hindi ko na dama.

Ngumuso si Zurine. "Wala ka pang nakakain." she sighed. "Ay, nga pala. Ano skin care mo ngayon, Genesis?"

Pregnancy. Pansin ko na kahit nga gaano ako ka-stress ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang balat ko. My face has this unusual glow that I never had before. Kapag natatamaan ng araw ang pisngi ko ay para itong namumula. I find it weird since I'm dark skinned. Kung wala lang ako sa tamang pag-iisip ay baka naisagot ko na 'yon kay Zurine. Pakiramdam ko kaunti na lang ay malalaman ng kahit sino ang sikreto ko.

"The usual, sunscreen sa umaga. Tapos toner at moisturizer sa gabi." I looked away. Niyakap ko ang sarili para gumaan ang loob ko. I wanted to feel normal again.

"Ah, ganiyan siguro kapag alagang Kael." siniko niya ako.

I forced a smile. "Siguro nga."

"Sabi na e!" she exasperated. Tumingin siya sa akin. She has this evil grin na parang matagal niya nang hinihintay na sabihin ko iyon.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon