17

78 6 8
                                    

Chapter 17
Dark

Marahang kinuha ni Kael ang kaliwang kamay ko. He brought it close to his lips to plant a soft kiss on the injured finger. Nailang pa ako no'ng una pero baka sa pag-iinarte ko ay matamaan lang ang daliri ko. Ako pa ang masasaktan.

"Ingatan mo 'yang kamay mo." Dahan-dahan niya 'yong nilapag sa throw pillow. Dumiretso siya patungo sa dining area para kunin 'yong binili naming isaw saka pork barbecue kanina.

Tahimik kong tinuon ang atensyon ko sa TV. Ang dami talagang gamit ni Auntie Fatima rito. Pati ang aircon sa kwarto sabi niya ay pwede ko raw gamitin kahit kailan ko gusto. Pero siyempre hindi ko naman gagamitin lagi 'yon. Noong first night ko rito, doon ko lang sinubukan. Mahal kaya ang kuryente. Siyempre ako pa rin ang magbabayad no'n. Kaltas sa allowance ko.

Minsan iniisip ko nga baka si Auntie talaga ang mama ko e. Mas nauna pa nga niyang nakikala si Mikael. Mas ready pa siyang makinig sa mga problema ko. O baka kasi bulag masyado si Mommy sa pagmamahal niya kay Daddy.

"Lalim na naman ng iniisip." Puna ni Kael.

"Hindi naman, iniisip ko lang kung anong uunahin ko sa mga pinapagawa." Which was also true. Kumuha ako ng isang stick ng isaw.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Alam mo, kakabalat mo diyan sa labi mo hindi mo na mabubuka 'yan. May napanood akong video, na-impeksyon labi niya tapos nagsugat, nagdikit."

My face was stoic. Para kasi siyang tatay na nag-sesermon. Matagal naman na ako nagbabalat ng labi pero wala pa namang nangyayari sa akin maliban sa pagdugo no'n; hirap din kumain dahil minsan mahapdi. That's why I don't want to make a fuss about it.

"You seriously need to find some new habit and coping mechanism." Makahulugan niyang sabi.

I rolled my eyes. "Then give me one."

"Lilistahan kita." He wiggled his brows.

Tinuon ko na lang uli ang atensyon sa panonood. Hinayaan niya ako na idantay ang mga biti sa hita niya. I chewed on my food silently. Kinukubli ko ang nararamdaman. Lumingon ako kay Kael na tahimik lang din nanonood. Dahan-dahang kumurba ang isang ngiti sa labi ko. Parang pinapataba ng katahimikan ang puso ko.

Could this be happiness? The feeling of having so much comfort amidst silence.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang maramdaman sa may hita ko ang pag-vibrate ng phone ko. It was a chat from a classmate, Ate Dei.

Dei:
Hi Gen, tanong ko lang sana kung may girlfriend ba si Mikael?


Kumunot ang noo ko sa biglaang tanong niya. We usually have conversations about school. First time 'yong sa ganito.


Ako:
Wala po.

Dei:
Ah, okay. Hihingi sana ako favor, palakad naman sana si Yam. Kung okay lang sa 'yo.


My lips parted. Akala ko hindi trip ni Yam si Kael? So she's silently crushing on him... Well, who wouldn't?

"Sabihin mo ayoko." Kael lazily said. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakikibasa amp.

"Hindi ko re-reply-an." Tinabi ko sa gilid ko ang phone.

"Ha? Reply-an mo! Magdamot ka, mahal." Para siyang batang nagmamaktol.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon