20

92 6 6
                                    

Chapter 20
Gift

Halos mabingi ako sa pagdagundong ng tugtog galing sa speaker. Kanta iyon ng isang local rapper na gustong-gusto ng mga tao rito.

Karamihan ng nasa party ay Engineering students. Sinama ako ni Kael para naman makalabas ako ng bahay. Coming from him 'no? Ngayon ako na ang pinipilit niyang makipag-socialize.

"Regine!" Tinawag ni Kael ang kaibigan mula sa dagat ng tao. Hawak niya ang isang kamay ko para hindi kami magkahiwalay.

Halo-halo na ata ang mga estudyante rito dahil kahit sa pool ay may tao rin. May nagsasayawan at nag-iinuman, typical party of college students.

"Uy! Omg! Sinama mo nga siya!" Tila kinikilig pa siya sa paraan ng paghablot sa braso ko. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil baka matipilok pa ako.

"Napilit." Kael chuckled.

"Ikaw na lang doon sa baba ng double deck ko. May apat pa tayong makakasama sa kwarto. Pero huwag ka mag-alala, mababait ang mga 'yon." Regine explained to me. Naramdaman na ata niya agad ang pagiging mailap ko. "Kael, kidnap-in ko lang 'to sandali ah. Bye!" Maloko siyang ngumisi sa kaibigan. She held onto me tightly.

Naglakad na kami ng diretso. Panay ang 'excuse me po' sa mga nababangga.

"Hoy Regine! Balik mo agad 'yan ah!" Sigaw ni Kael mula sa malayo.

"Hindi ko na 'to ibabalik! Papakilala ko na kina Enzo!" Regine stuck her tongue out.

"Gago!" Kael shouted back. Pinalo niya ang bibig nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Humalakhak si Regine at hindi na namin nilingon pa si Kael. Iginaya niya ako sa may hagdan dahil sa ikalawang palapag daw ang kwarto namin.

"Gaano na kayo katagal?" Her harmless question made me feel a bit awkward.

"Hindi kami." I smiled at her. Akma na niyang bubuksan ang pinto pero tumigil siya. Nanatili ang kamay niya doorknob.

Umawang ang bibig niya.

"Ayaw ko lang madaliin." I said just in case she would ask more questions.

"Oh, okay!" She twisted the knob and let me come inside the room first. "Sorry, baka mailang ka sa akin ah. Sabi kasi ni Kael gusto mo raw tahimik."

Umiling ako. Hindi naman. I can easily adapt. Huwag lang siguro sa maraming tanong dahil hindi ako nakakatiis sa ganoon. Mabilis naman siya makiramdam.

Tinuro niya kung saan ang pwesto ko kaya nilapag ko roon sa kamang iyon ang bag ko. Nakasuot naman na ako ng one piece swimsuit sa loob kaya hindi ko na kailangan magbihis. Gusto ko pa nga sanang mag rash guard kaya lang ay night swimming naman.

"Tara sa baba!" She pointed outside using her thumb. "Ipapakilala kita sa mga kaibigan namin!"

"Kasama 'yong Enzo?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi 'no! Ayoko ngang makatay ni Mikael Agravante." Agap niya agad.

We joined a couple of people on the dance floor. Hinahanap ng mga mata ko si Kael pero hindi ko siya makita.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon