Chapter 22
My LuckKinagat ko ang dulo ng ballpen habang tinitignan ang miniature model na gawa ko. Minadali ko na lang ito kaya hindi pumapasa sa standards ko. Sana pumasa sa prof. If I get through third year, fourth na ang sunod. Tapos isang taon na lang, pagakatapos ay graduate na. Atat na talaga akong makapagtapos. Hindi na ako makapaghintay na umalis dito.
I want to go to Laguna. Pero kailangan ko ng pera.
Humalumbaba ako habang nag-iisip. Si Zurine ay nag-apply ng part time sa isang coffee shop. Kung gagayahin ko siya, mahihirapan ako sa mga commission sa akin. Lalo pa ngayon na dumarami na ang nakakapansin sa page ko. Someone's asking me to illustrate their book cover. May iba rin na gusto akong mag-illustrate ng merch ng isang author. Hindi ko kakayaning pagsabay-sabayin.
Isang kamay ang naglapag ng tatlong curly tops sa tapat ko. I stopped biting my pen. Nag-angat ako ng tingin sa taong iyon na kilala ko agad dahil sa pabango. He changed his perfume. Natatapangan ako roon ngunit doon siya masaya kaya masaya hinayaan ko lang.
"Lalim ng iniisip." Puna ni Kael sa akin. He smoothly sat beside me. "Pwedeng i-share?"
"Kailangan ko ng pera." I twisted my lips to think of something. Hindi naman ako short ngayon pero kailangan ko ng sure money. Kailangan anytime may pera ako. Lagi na lang kasi sakto sa bills saka pagkain. Kailangan magtipid ako lalo.
"Gusto mo ba pahiramin muna kita?"
Umiling agad ako. "Kailangan ko pa ng isang trabaho." binuksan ko ang isang curly tops at mabilis na diniretso sa bibig. I let the chocolate melt in my mouth.
"Bakit biglaan?"
"Dahil kailangan. You know that I would be on my own after I graduate, right? Kailangan ko ng back-up plan."
He pressed his lips together and nodded. "Kaya mo ba? Baka lalo ka lang ma-stress."
"Kakayanin."
"Sige, sabihan kita kapag may nakita ako. Para alam ko rin 'yong babagay sa schedule mo."
"Thank you." I smiled at his response. Ang supportive niya talaga palagi. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko pati na rin ang ballpen sa kabilang kamay. Nangunot ang noo ko habang tinitignan kung ano 'yong sinusulat niya sa palad ko.
MIKAEL AGRAVANTE
He put his signature over his name. Kalat ang kanyang penmanship at uppercase letters lahat. Parang tipikal na sulat ng mga tatay; mature.
"Anong trip mo?"
"Marking what's mine." His tongue went to the inside of his cheek. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit nang may kinakapa siya sa bulsa.
"Uhuh?" I scoffed. Ngayon lang ata 'to naging territorial.
"Gusto ko maging boyfriend mo. I. Want. A. Label." Mabagal niyang saad. Tila pinapaintindi pa ang bawat salita sa akin.
Nilapag niya sa palad ko ang isang graduation ticket. My eyes widened when it sinked in. Ga-graduate na si Kael! Makakatapos na siya.
"Congrats agad!" Niyugyog ko ang magkabilang balikat niya.
I didn't mind the words he said before that. Nape-pressure ako. Akala ko payag lang siya sa set-up namin. Dati kasi ay ayos lang. Mula no'ng may nangyari sa amin, ang laki ng nagbago.
Pero naiintindihan ko naman. Naalala ko ang sinabi ni Aria. We both don't deserve this kind of relationship—or whatever we call this. This is not an ideal concept of love. We deserve to be loved in a right way.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
General FictionEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...