Chapter 05
Two truths, One lie"May boyfriend ka na pala ah," Adrian taunted. "Lagot ka kay Tito Fabian niyan."
Luminga tuloy ako sa paligid dahil baka marinig siya ng iba. Akala niya yata nakakatuwa ang biro niya. Hindi niya alam na kapag narinig 'yon ni Daddy ay automatic na paniniwalaan niya sila.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan? Sinong source mo?" I rolled my eyes. Kinuha ko ang platito sa lamesa at pinuno iyon ng chichirya.
"Sa tabi-tabi," he shrugged. Ngumisi pa siya kaya nabwisit ako.
"Gusto mo talagang mamatay ako ng maaga 'no?" I shook my head in dismay. I made sure that it sounded serious.
"Hoy, wala namang ganiyanan. Joke lang." Agap niya agad. "Basta kapag may boyfriend ka na, sa akin mo muna ipakilala. Kahit huwag na kay Tito! Kuya mo 'ko, tutulungan kitang magtago!"
"Baliw!" My face crumpled. Tumawa siya at inasar ako lalo. Lumayo ako sa kaniya ng ilang agwat dahil sa pagkairita. Kinain ko na lang 'yong nachos na nasa plato ko.
As if naman kaya niya akong itago e hindi nga mapigilan ang bibig niyan lalo na kapag lasing. Kaya tuloy kahit si Alice, kilala na ng mga pinsan namin dahil muntik na siyang mag-drunk call. Wala tuloy siyang takas sa mga pinsan namin. Lagi siyang pinagpipyestahan at inaasar. Bobo e.
At saka kung mag bo-boyfriend ako, papaabutin ko muna ng isang taon bago ko ipakilala sa kanilang lahat. Mahirap na 'no, baka mamaya i-legal ko tapos mag-break naman kami. E 'di ako ang tinumpok ng asaran kapag reunion. Hard pass.
Pucha bakit ko ba naiisip 'to? Parang tanga kasi si Adrian e.
Wala naman akong balak magmahal dahil ayaw ko makasira ng ibang tao. I am well aware of what kind of mess I am. I will surely cause nothing but pain.
I would never want to ruin someone's peace just because they loved me. That's just cruel.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Tita Claudia at Tito Franko, mga magulang ni Adrian.
"Ma," tumayo agad si Adrian para bumeso sa ina. Inalalayan niya agad ito sa bitbit na supot ng groceries.
"Good evening po." I shyly greeted. Nagmano ako sa dalawa sabay kuha rin ng supot para alalalayan sila.
"Gen huwag na, magaan lang naman 'to." ani ni Tito Franko.
I shook my head immediately. Sinamahan ko si Adrian para tulungang mag-ayos sa pantry nila. They're always welcoming me in their home. Minsan nga nakakalimutan kong pamangkin lang ako dahil para na nila akong anak kung ituring.
Doon na rin ako sa bahay nila nag-dinner. I was observing them talking all the time. Parang ang saya-saya nila at walang makakabuwag ng relasyon nila.
"Adrian, sa susunod na magkakagusto ka kasi... doon naman sa single." Tito Franko shook his head while laughing. "Para kang tangang naghihintay diyan na pumuti ang uwak."
Uminom ako ng tubig para itago ang ngisi ko. Pati pala tatay niya ay ni re-real talk na siya.
"Feelings fade hon, hayaan mo siya. People learn on the hard way at unfortunately, isa ang anak mo sa kanila." Inalaska pa siya ni Tita Claudia.
"Grabe naman kayo! Nakakahiya kay Genesis." Parang biglang gusto na lang tuloy niya maglaho.
"Sa kaniya ka pa nahiya, I'm sure she knows everything. Tama ba, Gen?"
"Opo," I chuckled. Nalaglag ang panga ni Adrian nang tignan niya ako. Nagtawanan tuloy sila lalo.
Itinago ko ang maliit na piraso ng paninibugho sa puso ko. I wish I have this kind of family too; the type of family that eats dinner peacefully. I want a family that talks about feelings... a family that cares for me genuinely.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
قصص عامةEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...