PROLOGUE

312 17 47
                                    

TW: violence, foul words, suicidal thoughts, and self-harm


Every child is a blessing. That's what most parents say. They say that children are gifts from above. God has chosen you to bear and take care of that child because He knows that you'll be able to cherish that gift.

Kaya nga hindi natin napipili ang mga magulang natin. Kasi pinili na raw sila para sa 'tin. Sila ang inatasan ng May Kapal sa pag-aalaga at pagmamahal sa atin.

Pero sana hindi na lang ganoon. Sana may choice. Hindi lahat ng magulang ay swerte sa kanilang mga anak. Hindi rin naman lahat ng anak ay swerte sa magulang.

Lucky are those who have a home where they truly belong.

Lucky are those who consider their houses a home.

Umaapaw ang inggit ko para sa mga taong nakakasama ang mga magulang nila tuwing almusal, tanghalian, at hapunan. Paano nila nagagawang hindi magkasawaan sa mukha ng isa't isa? Paano nila nagagawang mag-usap ng maayos?

Hindi ko maiwasang maikumpara ang buhay ko sa buhay ng mga kaibigan ko. Hindi lang dahil sa pinalaki sila sa marangyang buhay, kundi pinalaki sila sa isang pamilya na puno ng pagmamahal.

Alice has it all, downside lang ay sobrang strikto ng magulang. Habang si Lhaine naman ay ang pag-aayos ng direksyon sa buhay lang ang iniisip. The rest, all good.

I scoffed, bakit ka pa umaasa Genesis? Hindi ka naman karapatdapat sa gano'ng klase ng pagmamahal. Hindi ka marunong makinig sa daddy mo.

I peeled the dried skin on my lips. Napapikit pa ako nang maramdaman na mahapdi pala 'to. Mapakla ang lasa ng dugong lumabas mula sa aking labi. I cleaned it with my thumb.

I stared at the stain of blood on my thumb. Somehow it satisfied me, walang wala pa ang hapdi ng labi ko sa mga sugat na natamo ko mula sa taong mahal ko.

I'm such a fucking mess.

Mula sa kuwarto ko, ay narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay. Pinigilan kong tumulo ang luha ko. May parte pa rin sa akin na natatakot sa tuwing nangyayari 'to. Na kahit ba sanay na ako ay may pinanghahawakan pa rin akong maliit na pag-asa na baka sakaling hindi na niya uli gawin. Baka sakaling 'di niya na kami saktan.

"Putangina Geneva! Sabihin mo sa 'kin! Sino pa lalaki mo ha?" umalingawngaw na naman ang boses ni Daddy sa buong bahay.

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang marinig ang boses niya. I felt my hands trembling, no... not this time. My mother needs me.

"Huwag kang iiyak," paalala ko sa sarili sa matigas na tono. "Bawal umiyak." hinawakan ko ang nanginginig na kamay.

Hindi ako iiyak.

Hindi ako iiyak.

Hindi ako iiyak.

"W-wala, Fabian! Wala akong iba, maniwala ka naman sa akin oh." ang nagmamakaawang boses ni Mommy ang nagpatakbo sa akin palabas.

Akma niyang sasampalin si Mommy kaya agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ang tapang tapang ko nang gawin ko 'yon.

"Dy tama na!" kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kinakabahan ako dahil baka lalo niyang saktan si Mommy kapag may nasabi pa akong iba. Dinaluhan ko agad siya at kinurot ang puso ko nang makita siyang nanginginig sa takot.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Daddy. Nakakuyom ang mga kamao niya. Taas baba rin ang kanyang dibdib, halatang nanggigilaiti siya sa amin.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon