47

79 6 25
                                    

Chapter 47
Reunited

"Nandito na si Genesis! My daughter's here!" umalingawngaw ang boses ni Papa kahit kabubukas ko lang ng sasakyan.

Tumakbo si Bettina na buhat-buhat si Caleb. Mukhang hindi kasi makasabay sa pagtakbo niya ang bata.

"Ate Gen! Ate Gen!" They called me.

Bago pa ako tuluyang malakad papalapit sa kanila ay niyakap na ako ni Papa. Halos umangat ang paa ko mula sa lupa dahil para na niya akong binuhat. Sumunod din si Tita Claudia. Isa-isa ko silang binati. Kahit si Nanay Lydia ay naluha pa nang yumakap sa akin. Nandito rin sina Jewel at Gabby na dinaluhan ako kaagad. Emosyonal ang buong pamilya namin sa pagbabalik ko.

Privilege. I am lucky to be in a family who understands my medical condition. They could've given up on me, but they chose not to. Ang iba sa mga kasama ko noon sa ward ay hindi na binibisita ng pamilya. Ilan sa kanila roon ang inabandona na.

"Welcome back, Gen." ani Adrian na nakipag-fist bump na lang.

I gave him a small smile. Masama pa rin ang loob ko sa kanya pero hindi ko naman magawang balewalain lahat ng ginawa at sakripisyo niya para sa akin. He lied to the person he loves just for my sake. Hinayaan niyang kagalitan siya ni Alice dahil lang mas gusto niya ako protektahan.

"Mikael, tara na sa loob." anyaya ni Tita Claudia sa kanya.

Kael respectfully came inside of the mansion. Mukhang palagi na siya nandito dahil sanay na ang mga tao sa presensya niya.

He sat beside me while the helpers were preparing our meal. I fidgeted my fingers because I didn't know how to start a conversation. Halos kalahating taon ata kami hindi nagkita.

"Genesis, anong plano mo? Gusto mo ba mag-swimming? Island hopping? Kahit ano sabihin mo lang!" Masiglang sabi ni Jewel. Most of the family members agreed.

"Pwede naman 'yon, pero may gusto muna akong unahin." Mahinahong ani ko. "Gusto ko munang makita ang mga kaibigan ko... Sabi ni Kuya, hinahanap pa rin nila ako."

"E 'di? Babalik ka na naman sa Maynila?" tanong ni Nanay Lydia.

"Huwag na doon Gen! Makikita mo 'yung bruha mong lola." biglaang sumabat si Gabby.

"Gabby!" awat ni Nanay Lydia. Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Wala naman nang kailangan alalahanin si Genesis sa Maynila." matamang tiningnan ni Papa si Nanay Lydia at Gabby. "Nasa kulungan na si Mama."

Umawang ang bibig ko sa narinig. Parang nagkamali ata ang tainga ko.

"I'm choosing my daughter this time." pagpapatuloy ni Papa sabay baling ng tingin sa akin.

Tila may dumaang anghel sa sobrang tahimik. Kundi pa umubo si Tita Clau ay wala kang tunog na maririnig.

"Okay, lunch muna tayo. Huwag n'yo munang bibiglain si Gen sa mga sasabihin n'yo." she laughed. "Baka mamaya pagod pa 'yan galing biyahe."

I didn't know what should I feel. Hindi ako masaya na nakakulong si Lola at hindi rin naman ako malungkot sa sinapit niya. All I know is that my father chooses me now. It was a weird feeling.

Naramdaman ko na lang na may humawak ng kamay ko sa ilalim ng lamesa. I almost flinched when I felt his warmth on my palm. Nilingon ko si Kael at nakitang nangungusap ang kanyang mga mata.

Akma kong bubuksan ang bibig para magsalita ngunit sumingit si Tita Claudia.

"Tayo na't manalangin. Ipagpasalamat natin ang pagkain at ang pagbabalik ng ligtas ni Genesis." She smiled at me. "For the first time in six months, nakumpleto rin tayo."

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon