10

97 8 20
                                    

Chapter 10
Temporary

TW: Mention of sexual harassment

"I didn't like how I got my first kiss..." panimula ko. "It was disgusting... purely disgusting."

Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang nakakaramdam na siya kung saan patungo ang sasabihin ko. Nag-iwas ako ng tingin para matuloy ko ang pagkukwento. I needed to let this out... Because if not, I will be forever chained to that memory.

"Kaibigan siya ni Daddy, and I trusted him. My mom trusted him..."

I gathered all my courage to tell the whole story. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita muli. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko at nawawalan ako ng boses. This is the first time I'm going to tell that story to someone.

"Genesis, kung hindi ka komportable hindi mo kailangan ituloy." agap niya agad.

"It's okay, you're the first person to know anyway." I swallowed hard. "Basta mahilig kasi mag-pa-party si Daddy. Mahilig makipaginuman, magdala ng bisita sa bahay... So basically I'm exposed to his friends. I was fourteen at that time, grade 8. Si gagong Romy, may asawa at mga anak siya. Siyempre, iisipin ko tatay siya... he wouldn't mean any harm to me since he have children. Saka kaibigan nga kasi siya ng tatay ko."

Pumikit ako nang mariin at nagsimulang manginig ang labi ko. "Pero mali ako, kasi isang araw noong dumalaw uli siya sa amin... Naiwan ako sa kusina. Nanahimik lang ako na naghuhugas ng pinagkainan nila tapos naramdaman ko siya sa likod ko-"

The side of my eyes heated because of anger. Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin. Umusog agad si Kael papunta sa gawi ko para aluhin ako. Marahan niyang tinapik ang balikat ko. Ramdam na ramdam ko kung paano siya nag-iingat dahil tila ba pinipigilan niya ang pagsasalita. I could feel his hands shaking as he rubbed my back.

"I felt him hard there... and I panicked. Tapos paglingon ko, ayun. Hinalikan niya ako. I felt fucking dirty... he even forced his tongue in my mouth. Dinalaan niya pa ako." Nanginig 'yong kamay ko kaya hinawakan ko iyon. "I didn't know what to do... I couldn't ask for help. I was voiceless. Kundi ko lang naisip na sipain 'yong ano niya hindi ako makakatakas."

Kael squeezed my arm to comfort me. There was something on his hands that I could not understand. Para bang nagpipigil siya ng galit o maglabas ng sama ng loob.

"I locked myself in my room. Narinig ko 'yung sunod-sunod na katok niya roon pero hindi ko binubuksan 'yong pinto. He kept on calling my name, pero hindi ako lumabas. Umiyak lang ako nang umiyak." Nag-iinit ang sulok ng mata ko pero walang pumatak na luha. "Binaon ko na lang sa limot 'yung nangyari dahil hindi ko maatim na ipakwento sa akin... ng buo 'yon. He's also married, may mga anak siya paano kung ako pa sisihin ng asawa niya?"

"You're the victim, Gen." pagpapaalala ni Kael sa akin.

Oo nga pala. I was always the victim... the prey. Lagi na lang nila hawak ang leeg ko. I hate it. I hate being this weak. I hate that I can't do anything about it.

"Magsumbong tayo Gen, hindi pa naman huli ang lahat."

"I can't," I miserably answered. "It would be a long process and it happened almost five years ago. Ano pa magagawa ko?"

"It's still an assault, Genesis."

"Pulis siya, Kael." Mariin kong saad kaya natigilan siya. "Kapag nagsumbong ako, para mo na rin akong binigay sa kanila."

Hurt crossed his eyes when he realized that he couldn't do anything about it because I don't want his help. Nahirapan siya lalo hanapin ang mga salitang gusto niya sabihin. Umatras na rin ang dila niya. Maybe he already got the hint by the sound of fear in my voice.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon