Chapter 27
Little lifeAmidst the troubles I have caused, I can say that I am beyond lucky that I have someone by my side. Hindi sapat ang salitang swerte na mayroon akong isang Mikael sa buhay ko. I have a backbone.
I can't blame all of my troubles and choices to my parents. Hindi naman sila ang nagdesisyon nang gawin ko ang mga bagay na ito. Pero hindi ko maiwasang maisip... What if I was given the attention I needed? Would I still end up like this? I doubt that I would crave love and affection outside if I was well-taken care of in my own home.
Wait... our house isn't a home. Nakalimutan ko na naman.
"Ano'ng oras uwi mo?" Kael asked me. Pinadulas niya sa harap ko ang isang tupperware.
Tinukod ko ang siko sa mesa. I stared at the tupperware in front of me. Kanin at ginisang corned beef ang laman noon tapos may sunny side up egg din. Hindi pa ako tapos sa almusal ko ay hinahanda na niya ang baon namin. Hot chocolate ang tinimpla niya para sa akin ngayon imbes na kape. The reason is too obvious.
"Thank you," I uttered. "Five o'clock ang uwi ko. Huwag mo na ako sunduin, may pupuntahan pa ako." sumimsim ako sa tsokolate ko.
"Saan?" nag-angat siya ng kilay.
"Kay Aria."
I have two options. Dadaanan ko si Aria para magpasamang magpacheck-up. O kaya naman mag-isa na lang akong pupuntang clinic. Either way I still have to decide about the baby today. Hindi ko na siya pwedeng basta takbuhan dahil lumalaki na siya sa tiyan ko.
"Kael, please. Huwag mo munang sasabihin sa iba hanggang hindi pa tayo desidido sa gagawin natin..." inabot ko ang kamay niya. I don't want unnecessary pressure. Gusto ko kaming dalawa lang ang gagawa ng desisyon dito, ayaw ko na may makialam sa amin.
"Of course, makakaasa ka." pinisil niya ang kamay ko sabay halik sa aking noo. "Hahatid kita ngayon, bawal magreklamo."
Umirap ako. Kunwari hindi ko gusto 'yon. "Okay."
Maliban sa backpack ko, bitbit ni Kael lahat ng gamit ko para sa school. Hawak niya ang ginawa kong model kagabi pati na rin ang isang plate. Masyado siyang nag-iingat sa akin ngayon. Kung akala niya ay hindi ko napapansin 'yon, nagkakamali siya.
Naramdaman ko sa aking bulsa ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong tinapat sa tainga ko iyon para sagutin ang tawag ni Lhaine.
"Good morning Genesis, kumusta?" Lhaine's voice echoed. Sa naging tunog ng boses niya ay alam ko agad na nasa loob siya ng CR.
"Nasabi ko na kanya..." nilingon ko si Kael sa gilid ko. Diretso siya sa paglalakad na para bang pinipigilan ang sarili makinig sa usapan. "Kasama ko siya ngayon."
"What are your plans?" dinig sa kabilang linya ang pagnguya niya ng kung anong malutong na pagkain.
"Napag-usapan na namin. I'll update you."
"That's good. Text or call me when you need anything," she slowly added, lowering her voice as well as her chewing. "Kailan mo sasabihin kay Alice?" pabulong na tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang iyon. Was she eating in the bathroom?
"Saka na, marami ring iniintindi si Alice ngayon.""Baba ko na Gen, baka mahuli pa ako." she whispered. "Good luck on your decisions. I support you no matter what."
Her words touched my heart. It feels nice to be supported by the people you love.
"Thank—" Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon sagutin siya dahil binaba niya na kaagad ang tawag.
BINABASA MO ANG
Embracing the Night Skies
General FictionEl Cielo Series #2 ✔️ Genesis taught herself how to stand alone and survive on her own; because to her, life is a matter of survival. She's always been independent and thinks that she doesn't need the help of other people, even her friends. There is...