34

87 5 13
                                        

Chapter 34
Sayaw

"I think I'm dysfunctional, Doc."

"What makes you think that you're dysfunctional?" tanong ni Dr. Glorioso. She pushed her pen and open her notes, dinodokumento lahat ng sasabihin ko.

"Sobrang sira ko... dumating na sa puntong nadadamay 'yong buhay ng ibang tao dahil sa akin." I smiled sadly. "Hindi naman ako 'yong gumawa nito sa akin, Doc. Ayaw ko nito. Pero wala e, nandito na ako... barely functioning."

Sa ikalawang session ko, ito na agad ang nasabi ko sa kanya. Dito na humantong ang usapan namin. I wanted to be honest. I need her to fix me if I really have a defect. Kasi kung wala sa akin ang deperensya, bakit ganito kalupit ang mga tao sa paligid ko? Sadyang ang mundo na ba ang malupit? Or it's just how I perceive the world?

"Galit ka ba sa kanila?"

"Hindi ko po alam..." nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Hindi ko alam kung ano'ng tawag doon... kasi sobrang disappointed ko sa kanilang lahat... p-pero sobra ko rin naman silang mahal." kumuha ako ng dalawang pirasong tissue sa lamesa. "Naiinis ako sa sarili ko, kasi dapat galit lang ako e. Nakakairita kasi naiintindihan ko 'yong pinanggagalingan nila. Alam ko kung bakit nila nagawa 'yon."

"Dapat ba magalit na lang ako Doc? I don't want to forgive them for hurting me this way. Pamilya ko sila e... dapat nga sila 'yung pumoprotekta sa akin. Pero pinagkaisahan nila ako." hindi na napigilan ng luha ko ang pagbagsak. I smiled bitterly and swallowed the lump in my throat. "Galit lang din naman sila kaya nila ginawa iyon... Ayoko maging katulad nila, Doc."

"Hindi excuse ang galit para gawin nila ang mga bagay na makakasakit sa 'yo, Genesis." paalala niya sa akin. "If you can't be mad now, then I'll be mad for you."

I met her gaze. Doon ako natauhan. Nag-sink in sa akin ang tunay na nararamdaman ko. Galit ako... para sa akin, para kay Kael, at para sa baby namin na wala namang kinalaman sa lahat ng nangyari. I am angry for my pain and things I have lost.

"Sorry po, okay lang ba na hanggang dito muna?" nahihiya kong tanong.

"It's okay, take your time." she assured me. Inabot niya pa sa akin ang box ng tissue.

"You know Genesis, you're not dysfunctional for feeling these things." mabagal at kalmado niyang sabi. Sinabit niya ang kanyang eyeglasses sa collar ng uniform. "'Yang galit na nararamdaman mo, isa 'yan sa bumubuo sa 'yo. Normal sa tao ang nagagalit at nalulungkot. Gaya rin ng pagkaramdam natin ng saya o takot. Iba't iba nga lang tayo ng paraan kung paano mag-react sa galit na iyon."

I nodded, agreeing to each word she says while wiping my eyes and then my nose. Ito palang ang nababanggit ko, naluluha na ako. Ano pa kaya kung ikwento ko na ang buong nangyari sa ibang session?

"These emotions, they can be too much if you don't control them. That's why you should never fail to acknowledge them." she smiled when she handed me a stress ball. "You're making progress. Sana makita mo 'yon."

When you get used to a chaotic environment, there are chances that confusion will take over you each time you encounter the unfamiliar touch of serendipity.

As cliché as it sounds, you can find a sense of comfort when you try to lean on someone who never had the same experience, someone who radiates the opposite energy as you. Most times, feelings can be overwhelming. But as long as you are willing to take control, you're willing to take someone's hand because you know that you need them; emotions can be tamed.

"Good job, you proved him wrong." Kael gave me a gentle head pat. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya kaya inagapan niya agad ng paliwanag. "Natakot ang Papa mo na baka raw hindi ka na bumalik ng second session mo."

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon