33

55 5 7
                                    

Chapter 33
Jealousy

"Light is filtering
Your eyes are glimmering
Let me hold you
Let me hold you
I think that it's a sign
You've opened up the inner creases of your mind
Let me kiss you
Let me kiss you..."

Iniwan ko sa isang tabi ang ini-sterilized na nail tools. Habang nakatayo sa isang tabi ay sinasabayan ng paa ko ang paglalaro nito sa sahig, joining the beat of the song. Inabala ko ang sarili sa pagtitingin ng mga bagong order na gel nail polish. The new colors were in neutral tones. Sumasakto sa trends ngayon.

"Uy si sir ulit." bulong sa akin ni Gabby.

Tumingala ako sa taong tinutukoy niya. Abala ako sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga nail polish. Pero nang makitang iluwa ng pinto si Kael, natigil ako sa ginagawa. Today, he's wearing a bluish-grey shirt that fits his body well. Kaswal siyang naglakad patungo rito sa counter, hindi inaalis ang tingin sa akin. Napansin ko ang pagtitig ni Jewel sa kanya. Namula ang pisngi ng aking kaibigan bago nag-iwas ng tingin.

"Ano po kailangan nila?"

"Haircut,"

I paused for a while. Tinignan ko ang buhok niya maigi. Nagkaroon na siya ng kaunting bangs dahil sa haba ng buhok niya at dumidikit na rin sa bandang tainga. He's going to chop that off? Sayang. Pero kung gusto niya mas malinis tignan, kanyang choice naman 'yon.

"Sure na po sir?"

Makahulugang tumingin sa akin si Gabby. Napansin ko rin ang pagsulyap sa akin ni Jewel kahit na tinatanggalan niya ng kalyo ang isang customer.

"Nag-gugupit ka ba?" biglaang tanong niya na ikinagulat ko.

"Ah... opo." I awkwardly chuckled. "This way po." I guided him to one of our styling chairs.

Hindi ako sanay maging ganito kagalang sa kanya. Pero dahil ganito ako makipag-usap sa lahat, wala akong choice. Sigurado ako ay aasarin ako ng isang 'to mamaya.

Sinuot ko sa kanya ang itim na gown cape. I looked at his reflection in the mirror, nanghihinayang sa buhok niya. Brushing my fingers through his hair was one of my habits. Papuputulan niya na, sayang.

"Bagay sa 'yo ang lipstick mo."

Nagdigmaan ang iba't ibang insekto sa sikmura ko. Lalo pa iyong lumala nang makita kung paano siya tumitig sa labi ko mula sa salamin. Bakit siya nakatingin?! Hindi ko na kaya 'to! Ibibigay ko na siya kay Gabby!

Okay, lagi na akong mag li-lipstick.

"T-thank you po." nainis ako sa sariling dila at kung bakit pa ako nauutal.

Bakit niya ba kasi sinabi 'yon?! Sa harap pa nina Gabby at Jewel!

Tumikhim ako. Hindi ako tumitingin pabalik sa kanya. Hinatak ko ang cart ng mga hair tools sa tabi ko.

The door swung open. Lahat kami ay tumingin sa gawing iyon dahil agaw pansin ang asawa ni Vice Mayor.

"Gen, ako na riyan kay sir. Asikasuhin mo si Mrs. Ocampo." ani Gabby. Natataranta siya sa pagkuha sa akin ng gunting.

I took a side glance at Kael. Bahagya siyang ngumuso at tila ba hindi napagbigyan ng ang kanyang nais.

"Papakulay madam?"

"Yes! You know me well, Gen. Kita na kasi ang roots ko oh." she frustratedly showed me her problem. "Ash blonde, dear."

Sinunod ko ang nais ni madam. I started to wash her hair on the shampoo chair. Mula rito sa isang gilid ay dinig na dinig ang pinag-uusapan nila sa labas. Dinadaldal ni Jewel si Kael.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon