36

66 4 0
                                    

Chapter 36
Scar

Being alive today is my greatest achievement. Habang-buhay ko ipagpapasalamat na tinulungan ako ng mga taong nagmamahal sa akin. Nanatili sila sa tabi ko at hindi nila pinaramdam na pabigat ako.

"Andralez, Genesis Felicie C." tinawag na ang pangalan ko para pumunta sa entablado.

Today is my graduation day. Nandito ako ngayon kasi lumaban ako para sa pangarap ko.

"Bunso namin 'yan!" Nagulat ako nang humiyaw si Adrian kasabay ng malakas na palakpak.

Hiyang hiya ako sa ginawa niya. Nakisabay pa ang ilang tao sa pagpalakpak sa akin. Gusto ko na lang itago ang mukha ko sa likod ni Papa.

"'Di kita kilala." tinakpan ko ang kalahati ng mukha ko nang magkaharap kami ni Adrian.

"Mama, pa-picture kami ni Gen." walang hiyang sabi ni Adrian kay Tita Claudia. He gave her his phone. Walang nagawa si Tita kundi tanggapin ang cellphone nito. Umakbay siya sa akin saka sinuot sa kanyang ulo ang cap ko.

"One... two... three, smile." nakangiti si Tita Claudia habang kinukuhanan kami ng picture. Ganoon din si Papa habang pinagmamasdan kami ni Adrian.

Sumunod na nagpakuha si Papa ng picture. His smile grew wider. I've yearned this fatherly love for a very long time. And now, I think I deserve to enjoy every moment we have.

He fought for me. Kundi dahil sa kanya, wala ako ng mga bagay na inaasam ko. Nang mawala si Kael sa buhay ko, gumawa ng paraan si Papa para mabigyan ako ng kapayapaan.

"Anak... 'yong lalaking nagtangkang gahasain ka. Ano'ng pangalan no'n?" he asked me directly after my therapy.

Gulat kong isinara ang pinto ng front seat. Mahigit limang segundo ko siyang tinitigan bago ako makagalaw. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong madalas akong nahihilo o kaya lutang. I assumed those were the effects of the medicines.

"Pa, matagal na 'yon. Kung ano man 'yang iniisip mo, huwag na." iniwas ko ang tingin sa kanya. I adjusted my seatbelt and buckled it.

"Pangalan, Genesis." mas may diin na aniya.

Huminga ako nang malalim. He really won't stop. Noong nakaraan pa niya sinusubukan akong kausapin sa topic na ito ngunit panay ang iwas ko. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para diretsahin ako.

"Romulo Velasco, hindi ko alam kung ano ang ranggo niya. Pero pulis siya at kaibigan ng kapatid mo, Pa."

"Sino pa? Sino pa ang nanakit sa 'yo at kailangang kong pagbayarin?"

Would you believe me if I told you that your mother once hurt me too? Kaya mo ba siyang parusahan?

"We can't make a dead man pay for his sins." I abruptly said, shaking the thoughts away. Patay na 'yong taong may kasalanan ng lahat ng ito. "Wala na siya, ano pang pagbabayaran niya? All I can do is live with the consequences of their choices and my choices."

"I've always wondered why my own family treat me like... I'm not even part of it. Ngayon malinaw na malinaw na sa akin ang sagot." I drummed my fingers on the dashboard. "Alam na ba ng ibang kamag-anak natin 'to—'yung tungkol sa akin?"

Tumango si Papa. "Pagkatapos ng—nalaman nila noong nawala ang daddy mo."

I twisted my lips. Then it seems like the Andralez clan don't consider me a part of them anymore—officially. I don't need them anyway. Hindi masakit. Ni wala akong maramdaman.

"But if you're thinking of their acceptance, hindi mo naman kailangan ng approval nila... Tanggap ka namin."

"I was never welcome anyway." prangkang sagot ko. "Annie and Leo. Nasaan sila ngayon, Pa?" I curiously asked. Wala naman sa isip ko ang paghihiganti, gusto ko lang malaman kung ano ang lagay nila ngayon.

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon