First Day of School

1.2K 23 8
                                    

Alliyah's POV

Ako nga pala si Alliyah Charles. 17 years old. Isa akong NERD. Lagi akong binubully sa school namin.

Nag aaral pala ako sa Cherish National High School, public school lang siya. Maraming estudyante dito. Siguro kada section nasa 70 and above kami at kada year level may 14 sections.

Buti nga dito half day. Pang umaga ang 1st and 4th year panghapon naman yung 2nd and 3rd year. Well, 4th year na ako at sa kabutihang palad nasa highest section ako.

Late ako nakapag aral kaya 4th year pa lang ako. Baka kasi akalain niyong repeater ako. Hindi noh! May kaya nga lang kasi kami tapos naulila pa kami.

Namatay kasi parents ko. Naiinis nga ako eh. Ba't kasi ang agang kinuha sila mama at papa. Ang natitira na lang sa buhay ko ay si kuya carl. Well, wala siya ngayon dito, inaasikaso niya yung mga iniwan nila mommy. Sabi nga ni kuya bakit daw hindi ako pumasok sa anti-bullying na school pero mapilit ako. Sabi ko ayoko okay lang naman na mabully ako pero wag na wag silang magkakamali na idamay yung magulang ko dito.

So, it's already 4:30am na kaya kailangan ko ng maligo. Ang pasok ko 6-12pm lang. Nagpupursigi talaga ako sa pag aaral at ang nagiging inspirasyon ko ay yung magulang ko.

30 minutes

Natapos na akong maligo at magbihis. Inaayos ko na lang yung buhok kong parang hindi sinuklayan ng 1 taon. Well, 90% ay totoo. Hehehe! Pinusod ko na lang ito.

Close your eyes, give me your hand darli--

"Hello?" Ringtone ko yun.

"Baby girl, kumain ka na ba?" si kuya pala.

Namimiss ko na siya. Nasa ibang bansa kasi siya eh kasi nga inaasikaso yung kumpayang naiwan nila mommy.

Si kuya kasi 20 na kaya pwede na siyang maghandle ng mga kumpanya.

"Opo kuya. Kuya, miss na miss na miss na kita. Kailan ka ba uuwi?"

"Baby, miss na miss na miss ka narin ni kuya pero sorry ha kasi hindi pa makakauwi si kuya."

"Aww. Sige po. Kakain na po muna ako. 5:10 na kasi dito maaga pa akong aalis kasi maghahanap pa ako ng room. Bye kuya. Ingat ka lagi. Wag mo pong pabayaan yung sarili mo. Love you!"

"Sige, bye baby girl. Ikaw rin ha mag ingat ka lagi. Kapag may nambubully sayo sabihin mo agad ha? Sige take care baby girl. Love you too." Inend call niya na ito.

Ngumiti na lang ako saglit at bumaba na. May maid kami dito si nanay Ellen. Nasanay na ako na nanay yung tawag ko sa kanya kasi simula nung nawala sila mommy, siya na yung tumayo bilang nanay ko

"Good morning nanay!" Nakaamoy na kasi ako ng mabangong ulam na galing sa kusina kaya paniguradong nandoon na si nanay.

"Good morning din, hija. Umupo ka na dito at kumain." Lumapit ako dun sa may dining area at umupo.

Hmm.. ang bango bango. Gaganahan tuloy ako nito. Nilagay na ni nanay yung ulam sa table. Wow! Tuyo, mah favorite! Hehehe.

"Nay, sabayan niyo na po ako sa pagkain." Ngumiti naman si nanay at pumunta dun sa may mga lalagyanan ng plato at kumuha siya.

Bumalik siya doon, nilapag niya yung plato at umupo. Nanalangin muna kami. Pagkatapos nun ay... KAINAN NA! Kumuha agad ako ng tuyo at sinangag. Inamoy ko muna ito at.. hmm... HEAVEN kumain kami ng kumain ni nanay.

15 minutes

*Burp* hay ang charap ng ulam. Niligpit na ninanay yung pinagkainan namin.

Since 5:27am na, nagpaalam na ako kay nanay. Sinuot ko na yung salamin ko at sinukbit na yung bag ko.

Lumabas na ako ng bahay at nag abang ng tricycle. Sabi nga ni kuya na bibilhan niya na lang daw ako ng kotse para daw mabilis akong makarating dun. Hindi ako pumayag ayoko nga ng ganun. Nahihiya ako. Baka sabihin nila ang yabang ko. Kung tutuusin nga pwede ko lang lakarin yung school namin eh kaso nga lang kinulang ako sa oras ngayon kaya nagtricycle ako.

Nang may tumigil na tricycle sa harap ko. Pumasok na agad ako.

15 minutes

Nakarating na ako dito sa may labas ng school. Alangan namang ipasok pa ako sa loob -_- nagbayad na ako kay kuya.

Pumasok na ako sa loob ng school. Pagkapasok na pagkapasok ko may nakatingin agad sa akin.

Tss dukutin ko mata niyo eh. Hindi ko na lang sila pinansin. Hinanap ko na lang yung room ng section 1.

Eto lang rin hirap dito eh, yung hanapan ng room ang dami kaya -_-" tiyaga na lang kailangan dito. Nagsimula na akong maghanap sa taas. Pangalawang room pa lang yung natitingnan ko pero nahanap ko na agad. Yes!

Huminga muna ako ng malalim bago buksan yung pinto.

"*inhale**exhale* kaya mo yan alli, wag kang mahihi--"

"Ano? Bubulong ka na lang ba diyan sa sarili mo o bubuksan mo yan at papasok?" Napatingin agad ako dun sa may likod ko. Oh my god!

Ang pogi nito. Pero mukhang antipatiko. Siya daw yung heartthrob dito. Atsaka famous? Famous ba yan? Eh ba't hindi ko kilala? Oo kilala ko sa mukha pero yung pangalan hindi! Mga pauso nitong mga ka schoolmates ko.

Pano ko ba naman hindi malalaman na famous yan eh kung makasigaw yung mga babae dito kala mo wala ng bukas?

Obvious rin naman sa kanila na malalandi sila. Pano ko nalaman? Eh sa kapal ba naman ng make up na kulang na lang ingudngod yung mukha nila may harina at ubusin yung lipstick sa sobrang kapal. Dinaig pa nga nila si lottie sa paglalagay ng blush on eh.

Ewan ko ba dito sa school na 'to siguro pinagbabantaan nitong mga malalanding 'to yung guidance. Aba, kahit nasa public sila mayaman pa rin yang mga yan. Kakapal ng mukha at kakapal ng make up. Grrr!

*******

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon