Mall AGAIN?

218 14 0
                                    

Fuwaaa ! Hay salamat. Bumangon ako sa higaan ko at nag unat unat. Habang nag uunat ako napatingin ako sa wall clock. 5:30 na pa-- 5:30? WTH ?! Ba't hindi ako ginising ni kuya? Uwaaa ! Late na ako. Dali dali akong bumaba sa kusina para tignan si kuya pero wala siya. Umakyat naman ako sa kwarto niya at yun! Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Tumakbo agad ako sa kama ni kuya.

"Kuya! Wake up!" Inaalog alog ko pa siya pero walang nangyayare. Ungol lang siya ng ungol. Ano ba namang buhay 'to oh. Tumayo ako at dinaganan si kuya.

"Kuya! Hindi ka ba babangon? Late na po ako!" Dinadagan daganan ko siya para magising. Hindi 'to masasaktan sa laki ba naman ng katawan nito eh. Kinusot niya yung mata niya. Umalis na ako sa pagkakadagan sa kanya.

"Baby, ba't ang aga mong nagising?" Ano?!

"Kuya! Maaga pa po ba sa palagay mo yung 5:30 kung ang pasok ko po 6 am ? Tapos hindi ka pa nakakapagluto." Umupo siya sa kama niya at tumingin sa akin. Sabay...

"Hahahaha!" Ba't siya tumatawa? Abnormal ba 'to? Kakagising niya lang tumatawa na agad siya? Nababaliw na si kuya!

"Kuya, anong nangyayare sa'yo? Gusto mo ba dalhin na kita sa mental?" Napatigil naman si kuya sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Baby, i'm not crazy!"

"Then why are you laughing? What's funny?"

"You have no classes today. I forgot to tell you yesterday. Your teacher called me and told me that they will have meeting today." Ah kaya pala.

"Ah. So, that's the reason why you're laughing ha? Because of my epic face?" Taas kilay kong tanong.

"Err.. yes?" Tumayo ako at lumapit sa may pinto. Pinihit ko na yung door knob at bago lumabas nagsalita muna ako.

"Okay!" Sinara ko yung pinto at dali daling tumakbo sa kwarto ko.

Niloloko ko lang yun. Hahabulin kasi ako nun for sure. Hahaha. Gantihan lang yan dude!

tok tok tok

"Baby, I was just joking. Please open the door." Hahaha. Sabi sa inyo eh. Ano kayang pwedeng gawin? Hmmm.. AHA!

Binuksan ko yung pinto at dali daling humiga sa kama at nagtaklob ng unan. Naramdaman kong lumubog yung kama ko kaya alam kong nakaupo na siya.

"Baby." Tinatapik niya yung braso ko pero tinatanggal ko lang yun. Hahahaha.

"Sorry na baby. I was just joking. You know para mapasaya kita?" Hinablot niya naman yung unan. At dahil hindi ako alert nakuha niya yun at tinapon sa malayo. Tinignan ko siya ng masama.

"Baby, sorry na. Please forgive kuya." Nag puppy eyes pa siya at nag pout. Hahaha!

"No!" Matigas kong sagot. Lumungkot naman yung mukha niya. Sa loob ko gusto ko ng sumabog sa sobrang tawa. Hahahaha! Yumuko si kuya. Eto na ang time.

Kinuha ko yung cellphone ko sa side table ko. Hinanda ko yung camera at...

Click

Tumayo agad ako sa kama. Si kuya naman napatingin agad sa akin. Shit! Hindi kasi natanggal yung flash eh. Pati yung tunog. Ughh!

"Baby! Burahin mo yan!" Hahaha.

"Ayoko nga po. Ganti ko lang 'to. Hahahaha. Papakita ko po 'to kay nanay. Panigurado matutuwa yun. I mean matatawa! Hahaha!" Tumayo si kuya at sinimulan na akong habulin. Takbo lang kami ng takbo. Binuksan ko yung pinto at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa may garden at nagtago sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Hahaha!

"Baby, nandito na ako!" Nakita ko yung paa ni kuya pero malayo siya sa lugar na 'to. Naghanap hanap siya sa mga halaman pero hindi niya ako nakita. Unti unti siyang lumakad papasok sa loob. Hahaha. Save by the hiding place. Dahan dahan akong umalis sa hiding place ko. Mahirap na baka marinig pa ako. Dahan dahan akong naglakad papasok ng bahay. Sumilip muna ako para makasure na wala si kuya. Nang malibot ko na ng paningin ko yung bahay. Unti unti na akong pumasok. Palinga linga ako habang naglalakad. Mamaya nandiyan na pala sa likod ko eh. Palapit na ako ng palapit sa may hagdan. I swear kapag nasa hagdan na ako tatakbo na ako. Ayan na! Kaunti na lang alliy--

"Ahhhh! Kuya ibaba mo ako! Waaaaaa!" Binuhat ako ni kuya na parang sako at inakyat sa kwarto ko. Binaba niya ako sa kama. Hawak niya yung kamay ko.

"Burahin mo yun! Dali na."

"Ayoko! Hahaha. Cute mo kaya dun." Hahaha. Totoo naman eh.

"Kahit na. Burahin mo yun. Kapag hindi mo binura yun babawasan ko baon mo. Kukunin ko mga gadgets mo at higit sa lahat... ililipat kita sa private school." Noooo! Okay na sana yung bawasan yung baon ko at kunin ang gadgets pero ilipat ng school? No way! Hindi niya naman kaya gawin yun kaya...

"Go ahead, kuya. Atat na akong lumipat ng school eh." Pang aasar ko.

"If you say so." Binitawan niya yung kamay ko at lumabas ng kwarto. Hala! Patay ka alliyah. Wahhh ! Dali dali akong tumakbo palabas. Pumunta agad ako sa kwarto ni kuya. Pagkapasok ko nakita ko siyang may kausap sa cellphone.

"Ahm, ano bang mga requirements diyan sa St. Mark?" Seryoso nga siya. Lumapit agad ako kay kuya.

"Kuya." Kinalbit ko siya kaya napatingin siya sa akin.

"Ah, teka lang ha? Baba ko muna 'to." Inend call na ni kuya yun. Binalik niya yung cellphone niya sa bulsa niya.

"Anong kailangan mo, baby?"

"Ahm.. kasi ano.." alliyah, kaunti lang line mo. Kaya mo yan.

"Ano yun baby? Bilisan mo. Pinapaayos ko pa yung mga requirements mo." Agad agad kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at inabot kay kuya.

"Kuya, burahin mo na lang po yung picture diyan oh. Wag mo na po ako ilipat ng school." Napangisi naman si kuya at kinuha ang cellphone.

"Tapang tapangan pa kasi baby eh. Hindi naman pala kayang panindigan. Hahaha!" Inabot na pabalik ni kuya yung cellphone ko. Kinuha ko yun at nilagay sa bulsa.

"Sorry po." Tangeks ka kasi alliyah.

"Kuya, tawagan niyo na po ulit yung kanina. Yung tumutulong sa inyo sa requirements." Napatawa naman ng bahagya si kuya. Anyare?

"Baby, yung kanina wala yun. Wala akonh kausap nun. Niloloko lang kita. Hahaha!" Walanjo! Naisahan ako dun ha. Grrr!

"Argh! Kuya, I hate you!" Pinadyak padyak ko pa yung paa ko na parang bata.

"I love you too, baby."

*****

1pm

"Baby, magbihis ka na" napatingin agad ako sa tao sa pintuan.

"Bakit po?"

"Mamamasyal tayo. Magbobonding tayo!" With matching taas kamay pa yan. Bekle eh?

"Saan naman po tayo pupunta? Wag niyong sabihing sa m--"

"Yes baby! Sa mall tayo pupunta. Kaya magbihis ka na. Magpaganda ka at magbobonding tayo sa mall!" Mas excited pa si kuya ha. Pero ano?! Sa mall? Na naman?

"Eh kuya, ayoko na po sa mall. Sawa na ako dun. Sawa na akong mamili." Sabi ko sabay dapa sa kama ko. Tinatamad rin kasi akong umalis. Hanubayan!

"Eh sino ba nagsabing mamimili tayo?" Hindi kami mamimili? Napaupo agad ako sa kama ko at tumingin kay kuya with my shining eyes.

"Tologo? Eh ano pong gagawin natin dun?"

"Hmm.. basta! Magbihis ka na lang muna. Bilisan mo ha." Sinara na ni kuya yung pinto. Saan kaya kami pupunta? Ayiee! Excited na ako! Tumayo agad ako at pumunta sa walk in closet ko. Nakaligo na naman kasi ako. Mebenge pe eke! Kinuha ko na lang ang isang simpleng t-shirt na may tatak na 'I love my kuya' o diba? Hahaha. Love na love ko kasi yang si kuya eh. Nag apply rin ako ng light make up. Nilugay ko na lang yung buhok ko at sinide yung bangs. Kinuha ko na yung shoulder bag ko saka lumabas ng kwarto. Bumaba na aako sa may sala. Dire diretso lang lakad ko dun. Inaayos ko yung laylayan ng damit ko.

"I'm re-- Anong ginagawa niyo dito?" Napanganga ako sa nakita ko. Ba't sila andito? Anong ginagawa nila dito? Peste naman! Kung kailan magbobonding saka nagdatingan. Tss.

*****

Hello po :) pabasa naman po ng promise. Second story ko po. Thank you !

VOMMENTS :*

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon