KINABUKASAN
Kringg! Kringg! Kringg!
Kinapa ko yung alarm clock ko sa bed side table ko at in-off ko.
Umupo ako sa may kama ko at nag unat unat muna. It's already 4:30 am.
Bumangon na ako at pumunta sa cr. Yes, may cr sa bawat kwarto. Naghilamos na muna ako at nagmumog. Pagkatapos lumabas na ako ng cr at inayos yung kama ko.
Kinuha ko yung salamin ko bumaba na ako papuntang kusina. Nakita ko si kuya na nagluluto ng breakfast namin.
Answeet naman ni kuya. Lumapit ako sa kanya at nagback hug na ikinagulat niya.
"Good morning kuya!" Pagbati ko.
"Good morning din baby!" Inalis ko na yung yakap ko at humarap siya sa akin.
"Pinagleave ko muna si nanay kaya ako muna gagawa sa mga responsibilidad niya dito." Bumalik siya sa pagluluto. Hmm.. ang bango nun ha.
"Kuya ano yang niluluto mo?" Tanong ko sa kanya. Pumunta ako sa dining table umupo ako dun at kumuha ng saging.
"Bacon, eggs, hotdogs, and fried rice. Nakain ka ba nito?" Tanong ni kuya habang busy pa rin sa pagluluto.
"Syempre naman kuya." Nilagay niya na sa table yung mga pagkain at umupo na rin siya.
"So, nagcocommute ka lang ba kapag napasok?" Tanong ni kuya habang naglalagay ng kanin sa plato niya.
"Opo. Pagpapasok po nagttricycle ako. Kapag pauwi naman po jeep." Sabi ko sabay inom ng gatas ko.
Tumango tango naman si kuya. Nagpatuloy na ulit kami sa pag kain.
30 minutes
Natapos na kami kumain ni kuya. Niligpit niya na yung mga pinagkainan namin.
Ako naman umakyat na sa kwarto at naligo. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at pumunta sa may study table ko.
Kinuha ko yung contact lens na binigay ni Zy at bumalik ulit ako sa cr. Tumingin ako sa salamin.
"Tama nga. Try mo rin magbago ng panlabas na anyo." Para akong baliw dito na kinakausap yung salamin.
Kinuha ko yung box ng contact lens at binuksan. Tinanggal ko yung salamin ko at nilapag muna sa may tabi.
Nilagay ko na yung contact lens at tumingin ulit ako sa salamin. Sakto lang sa akin yung contact lens at tamang tama lang yung grado.
Kinuha ko yung salamin ko at lumabas ng cr. Dumiretso ako sa study table ko at nilapag yung salamin ko doon.
*ding dong*
Si Zy na siguro yan. Nagpulbo muna ako at nagpabango.
*tok tok tok*
"Baby, nandiyan na si Zy." Si kuya pala.
"Ahm, kuya pasabi po matatapos na." Binilisan ko na yung kilos ko. Kinuha ko na yung bag ko at dumiretso sa may pintuan.
Pinihit ko na yung door knob at bago lumabas tinignan ko ulit yung salamin ko sa may study table. Pagkatapos tuluyan na akong lumabas at bumaba.
Narinig ko namang nagtatawanan sila kuya at Zy pero nung nakita nila ako, napatigil sila at napatayo.
Lumapit ako sa kanila ng may ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...