Usap

181 10 1
                                    

To: Zyrus

Hindi natuloy. May nangyare kasi eh.

Pumunta ulit ako sa inbox at tinignan yung isang message. OMG!

From: Kuya :*

Hi baby! Good morning :) eat your breakfast. Sorry ngayon lang nakapagtext after how many days.

Mas lalo akong napangiti ng makita ko yung text ni kuya. Tama nga! Simula nung umalis siya hindi pa siya nakakapagtext sa akin ni nakakatawag. Ngayon lang talaga.

To: Kuya :*

Good morning, kuya! Tapos na po kuya. Actually, nandito na po ako sa school. I miss you na po. :"(

Pagkasend ko nun, bumalik naman ako dun sa convo namin ni zyrus.

From: Zyrus

What?! Anong nangyare?

Hayy! Bestfriend ko naman 'to eh.

To: Zyrus

May kumuha sa atin ng picture nung nagkiss. Nakita niya yun. He didn't let me explain. Sinabihan niya na agad ako ng malandi.

Kainis lang. Tuwing naalala ko yun nagpaflashback yung nangyare kahapon. Yung malandi ka? Sariwang sariwa pa yan sa isip ko. Nagvibrate ulit yung cellphone ko kaya tinignan ko ulit.

From: Kuya :*

Baby, you don't know how kuya missed you too. Everyday, i'm asking myself kung nakakain ka na ba? Naligo ka na ba? Nakakagala ka pa ba? Hahaha! By the way, how are you and nanay?

Aww! How sweet.

To: Kuya :*

Natouch ako. Haha. We're okay naman po. How 'bout you po?

Binalik ko na muna sa bulsa ko yung cellphone ng pumasok yung teacher namin.

"Good morning, class!" Bati niya. Nag 'good morning' din kami sa kanya saka siya nagdiscuss.

*******
Vacant

Wala kaming teacher ngayon kaya nagbreak na rin kami. Naglalakad na ako papuntang canteen ngayon para bumili ng biscuit at juice. Doon ko na rin balak kainin sa room. Nakatungo ako ngayon habang naglalakad, tinitignan ang bawat paghakbang ko.

"Alliyah!" Napatingin ako sa harap ko ngayon at napangiti. Si brylle pala.

"Hi brylle. Wala rin ba kayong teacher?" Bati ko.

"Hmm, wala rin eh. By the way, magbebreak ka ba? Sabay na tayo." Pagyayaya niya.

"Ahm, bibili lang ako eh. Sa room ako kakain." Sabi ko.

"Ganun ba? Ako na lang bibili sa'yo." Nagwave naman ako ng kamay saying 'no need'.

"Hindi na. Ako na lang ano ka ba! Nakakahiya kaya." Sagot ko habang pumapadyak padyak. Lintek na langaw naman. Trip pa ata ang balat ko.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon